Rayver Cruz, nag-propose na ba kay Janine Gutierrez sa Paris?

by PEP Troika
Oct 15, 2019
Janine Gutierrez, super proud na ang boyfriend niyang si Rayver Cruz ang nag-asikaso sa kanilang bakasyon sa Paris at Rome.
PHOTO/S: Gorgy Rula / @rayvercruz Instagram

GORGY RULA

Walang proposal na nangyari, sabi ni Janine Gutierrez nang tinanong namin ito sa kanya tungkol sa bakasyon nila ni Rayver Cruz sa Paris, France.

Dumalo si Janine sa Fashion Week sa Paris kamakailan, at tamang-tama na dinalaw ni Rayver ang kanyang pinsan doon.

Sabi pa ng iba, parang honeymooners silang namamasyal sa Paris.

Gulat na balik-tanong ng Kapuso actress, “Dahil ba sa Paris, honeymoon na?”

Nakatsikahan namin si Janine sa mini-presscon ng QCinema movie na Babae at Baril nitong Oktubre 14, Martes.

Marami raw silang nasaksihang nag-propose sa ilang lugar na pinuntahan nila.

"Nasa Colosseum nga kami, habang nandoon kami, mga dalawa ang nag-propose doon."

Nang inurirat namin kung nag-propose na ba sa kanya si Rayver, napapangiting giit ulit ni Janine:

"Alam niya na hindi pa kami dalawa handa.

"Wait lang muna!

"Alam niya na hindi pa talaga ako ready."

Na-enjoy nila ang bakasyong iyon dahil kinarir daw ni Rayver ang pagplano sa biyahe nila at sa mga pupuntahan nilang lugar.

Continue reading below ↓

"Sobrang nag-step up siya. Niloloko ko kasi siya na hindi siya marunong magplano.

"Kasi, lahat ng biyahe niya—sobrang daming tatak ng passport niya, naikot niya buong mundo—pero halos lahat nun, Star Magic."

Kuwento pa ni Janine: "This trip, ang dami niyang pinlano, sobrang proud ako sa kanya.

"Talagang nag-research siya, nag-research siya ng mga restaurant.

"Parang proud din siya sa sarili niya, kasi dapat daw i-tweet ko na ginalingan niya."

Ang isa pang kakaiba sa biyahe nilang iyon ay ang pagkakaroon ni Rayver ng bagong camera na nagagamit sa kapi-pictorial sa Kapuso actress.

"Ngayon kasi, mahilig na siyang mag-photography. So, nakaka-benefit ako riyan.

"Pangarap ko kasi na magkaroon ng travel buddy na parang si Erwan," tukoy ni Janine sa asawa ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff.

"Si Erwan kasi palaging nagti-take ng pictures ni Anne, gumagawa ng video.

"Sabi ko, shucks, ang saya! So ngayon, may bagong camera siya.

Continue reading below ↓

"Happy ako, kasi ganadung-ganado siya mag-picture, mag-video.

"Sasabihin niya, 'O para sa vlog mo.' 'Tapos nagbi-video video siya.

"Iyon siguro ang bago sa trip namin," masaya pang saad ni Janine.

JERRY OLEA

Darating ang tamang pagkakataon para mag-level up ang relationship status nina Rayver at Janine.

Inaantabayanan din natin kung kailan ang proposal ni Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo at ni Luis Manzano kay Jessy Mendiola.

E, di ba, abang-abang din ang fans sa development ng mga relasyong Kathryn Bernardo-Daniel Padilla, Liza Soberano-Enrique Gil, James Reid-Nadine Lustre, Arjo Atayde-Maine Mendoza, at Ion Perez-Vice Ganda?!

NOEL FERRER

Kung ang mga iyan ay inaabangan pa lang na proposal, heto na ang mga siguradong ikakasal before the end of the year...

Sina Aicelle Santos at Mark Zambrano ay ikakasal sa November.

Sina Rodjun Cruz at Dianne Medina, pati na rin ang engaged couple na sina Valerie Concepcion at Francis Sunga ay ikakasal sa December.

Continue reading below ↓

Sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa Marso 2020 pa ang wedding.

Sina Angel Locsin at Neil Arce, kailan ba ang pag-iisang dibdib?

Teka, hindi ba, may dadaluhan kang showbiz wedding sa US sa December, Tito Gorgy?!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez, super proud na ang boyfriend niyang si Rayver Cruz ang nag-asikaso sa kanilang bakasyon sa Paris at Rome.
PHOTO/S: Gorgy Rula / @rayvercruz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results