Isa Pa With Feelings, naka-P6.8M sa first day nito sa takilya

by PEP Troika
Oct 17, 2019
PHOTO/S: Black Sheep

NOEL FERRER

OK na rin ang PHP6.8M opening gross ng Isa Pa With Feelings, ang pelikula nina Maine Mendoza at Carlo Aquino mula sa Black Sheep at APT Entertainment.

Ang Maleficent: Mistress of Evil (na nagsimula nang 3:30 P.M. screening) ay naka-more than PHP18M.

Inaasahang tataas pa ang box-office take ng dalawang pelikulang ito by virtue of good word-of-mouth.

Sana talaga, pumunta pa ang mga tao sa sinehan (despite our traffic problems) para magkaroon ng momentum leading up to our yearly MMFF.

Teka, kumusta ang audience sa QCinema entries? Sana marami rin!

JERRY OLEA

Inaasahan kong malakas ang Maleficent: Mistress of Evil ni Angelina Jolie, lalo pa’t nalalapit na ang Halloween.

More & more ang block screenings ng Isa Pa With Feelings, at bonggacious ang dance number dito nina Carlo Aquino & Maine Mendoza. May sexual tension!

Makatuturan ang IPWF, kung saan maayos na nailatag ang buhay-buhay ng mga bingi.

Continue reading below ↓

Iyong QCinema, wala sa aking diwa.

GORGY RULA

Sabi ng ilang napagtanungan ko, masaya na ang mga taga-Black Sheep sa first day earnings ng Isa Pa With Feelings.

Kung hindi ako nagkakamali, happy na sila kung maka-PHP150M o PHP200M sila sa buong run. Sana, ma-meet nila ito.

Pero napag-uusapan na rin ng ilang producers, na magsu-showing na next week ang Unforgettable ni Sarah Geronimo, at meron pang horror movie ang Star Cinema na Hellcome Home.

Kaya posibleng mabawasan pa ng viewers, di ba?

Sana humataw nang husto this weekend para bago dumating ang susunod na showing ng ibang pelikula, naitodo na muna sa Isa Pa, With Feelings.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Black Sheep
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results