Sharon Cuneta at Regine Velasquez, pinalakpakan ang isa't isa sa Iconic rehearsals

by PEP Troika
Oct 17, 2019
Gaganapin ang Iconic concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa October 18 at 19 sa Araneta Coliseum, Araneta City, Quezon City.
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

“Naiiyak ako!” bulalas ni Regine Velasquez habang inaawit ang isang hit song ni Sharon Cuneta sa Iconic rehearsal nila nitong Oktubre 17, Huwebes ng hapon, sa Araneta Coliseum.

Natawa lang si Megastar.

Tuluy-tuloy na ang pagsasalo nila sa mga awitin. Harmonious ang blending, sakto ang timpla, pagkasarap-sarap pakinggan.

“Ang ganda ng kantang ginawa ni Louie!” sambit naman ni Sharon sa pagbirit ng awit na identified kay Regine.

Pumalakpak si Sharon sa marubdob na pag-awit ni Regine ng isa pa niyang hit song, “Ang ganda!”

Napapangiwing sansala ni Regine, “Ano ba?!”

Pumalakpak din si Regine sa rendition ni Sharon ng awiting pinasikat niya. Amanos!

GORGY RULA

Lalong nadagdagan ang sponsors ng Iconic concert. Kaya ang ganda na ng ngiti ng producers.

Magkakaalaman lang ito pagdating ng show dahil ang taas ng expectations sa palabas.

Abangan natin kung may surprise guests sila.

Sabi ni Sharon, definitely hindi si Gabby Concecpion.

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Gabby, gusto niya talagang manood. Pero may out of town shoot siya na hindi pwedeng i-move.

JERRY OLEA

Lalong pinatingkad ang pagkabituin nina Sharin at Regine sa masusing direksiyon ni Rowell Santiago, na tinututukan ang lahat ng detalye mula sa blocking hanggang pag-iilaw.

Nakasubaybay rin ang dalawang musical directors na sina Louie Ocampo at Raul Mitra.

Iyong mga kumukuha ng litrato at videos sa rehearsal, pinagsabihang huwag mag-post online para hindi ma-preempt.

Ang disenyo ng entablado, truly magnificent.

Pero ang pagtutuunan mo pa rin ng pansin ay si Mega at ang Asia’s Songbird.

Ang tawag kina Sharon at Regine sa rehearsal, “The Icons.”

Sold out ang first night ng kanilang Iconic concert bukas, Biyernes ng gabi, sa Big Dome, Araneta City, Quezon City.

Pakiwari ko’y maso-sold out din ang second night sa Sabado.

NOEL FERRER

Bukod sa mga kanta nila, may mga espesyal na paborito nilang current songs na aawitin (kasama ang paborito mong "BUWAN," Tito Jerry)!

Continue reading below ↓

Walang kumpetisyon.

Puro harmony at iconic na bosesan at tribute sa dalawang singer-actress na halos pareho ang karerang tinahak at tahimik at maligaya na ang buhay pamilya!

Wala na silang kailangang patunayan pa.

Ang special guest nila? Si Lola Remedios among many other new sponsors!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gaganapin ang Iconic concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa October 18 at 19 sa Araneta Coliseum, Araneta City, Quezon City.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results