Alamin ang lineup ng fourth day ng Pinoy Playlist 2019...

by PEP Troika
Oct 18, 2019
Opus Juan and The Juans will perform on the fourth day of Pinoy Playlist Music Festival tonight, October 18.

JERRY OLEA

Papuri sa Panginoong Diyos ang hatid ni Arnel de Pano at ng kasama niyang koro sa 3rd day ng Pinoy Playlist Music Festival 2019 noong Oktubre 13, Linggo, 5:00-5:45 P.M. sa Globe Auditorium ng BGC Arts Center.

Naging panauhin pa niya si Tricia Amper.

Kapagkuwan ay nagpasiklab sa nasabing venue ang Bandurias (Jay Durias ng South Border, kasama ang mga anak na sina Jay at Khalil), Joey Benin ng Side A kasama ang beautiful wife na si Eva Marie at daughter na si Clara, ang True Faith na kapipirma lang ng kontrata sa Viva, at si Ricky Davao na pinuri ni Maestro Ryan Cayabyab ang kahusayan.

Ikaapat na araw/gabi ng PPMF 2019 ngayong Oktubre 18, Biyernes, sa tatlong venue sa BGC Arts Center, Taguig City.

Magpapakitang-gilas sa GLOBE AUDITORIUM ang Opus One (6:00-6:45 PM), Debonair District (7:00-7:45 PM), Rak of Aegis (8:00-8:45 PM), Philippine Opera Company’s Harana (9:00-9:45 PM), Noel Cabangon (10:00-10:45 PM), at Kurei/Moonstars (11:00-11:45 PM).

Continue reading below ↓

Tampok sa ZOBEL DE AYALA RECITAL HALL ang Chndtr (6:00-6:45 PM), Brass Rosette (7:00-7:45 PM), Hoochie Coochie Mikkie (8:00-8:45 PM), Henry Katindig (9:00-9:45 PM), Kris Lawrence (10:00-10:45 PM), at Joe & Mike Chan (11:00-11:45 PM).

Magpapayanig sa SUN LIFE AMPITHEATER ang The Juans (6:00-6:45 PM), Brisom/Feel Day (7:00-7:45 PM), Luminus/Fuseboxx (8:00-8:45 PM), at Flying Ipis (9:00-9:45 PM).

Ang festival curators ng Pinoy Playlist ay sina Maestro Ryan Cayabyab (National Artist for Music), Moy Ortiz, at ka-Troikang Noel Ferrer.

GORGY RULA

Nakakatuwa at kasama na itong Pinoy Playlist sa itinerary ng ilang estudyante sa kanilang educational tour.

Minsan, sila na ang pumupuno sa theater.

Inaasahan na mas marami pang OPM artists ang sasali next year.

Sana, mapagbigyan na rin ni Nora Aunor ang paanyaya sa kanya para sa susunod na taon.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

This early, excited ako sa parangal na ibibigay kay Basil Valdez na siyang kauna-unahang Ryan Cayabyab Awardee for Musical Excellence.

Gaganapin iyan sa October 20, Linggo, 8:00 P.M. Nagpaunlak si Basil ng isang set-concert, na susundan ng parangal para kina Louie Ocampo, Manoling Francisco, Chit Arambulo, at Mr. Pagsi-Onofre Pagsanghan.

Sussndan ito ng tribute para sa ilang yumaong OPM icons na sina Rico J. Puno by Ogie Alcasid, Jacqui Magno by Lynn Shermam, Armida Siguion-Reyna by Bo Cerrudo, and Pepe Smith by Nar Cabico.

Basta, sobrang kaabang-abang ang closing weekend ng Pinoy Playlist 2019 which starts today!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Opus Juan and The Juans will perform on the fourth day of Pinoy Playlist Music Festival tonight, October 18.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results