Sharon Cuneta at Regine Velasquez, lumuhod sa isa't isa sa Iconic

Bilang pagpupugay, parehong lumuhod sina Regine Velasquez at Sharon Cuneta sa isa't isa sa Iconic concert nila.
by PEP Troika
Oct 19, 2019
Biritan, biruan, iyakan, luhuran, at yakapan ang nangyari sa Iconic concert nina Regine Velasquez (kaliwa) at Sharon Cuneta (kanan).
PHOTO/S: @ogiealcasid on Instagram

JERRY OLEA

"Pangarap Na Bituin" na theme song ng pelikulang Bukas, Luluhod Ang Mga Tala (1984) ang unang kanta nina Regine Velasquez at Sharon Cuneta sa kanilang Iconic concert sa Araneta Coliseum, QC.

Idea iyon ni Regine. Kasi nga, Sharonian si Regine, at naka-relate siya kay Rebecca na karakter ni Sharon sa movie.

Sa kalagitnaan ng concert ay may video clips ng ilang movies ni Sharon, at idinayalog ni Regine ang eksena sa Bukas... kung saan nangako si Sharon habang nakadungaw sa bintana, nakatingala sa mansion ng mga Estrella. "Oo, ate! Oo, ate!"

Pagkarami-rami ng nanood sa first night ng Iconic nitong Oktubre 18, Biyernes. Totoo ang tsika, sold out!

Fluid ang mga biruan at kilos nina Sha and Reg. Sabi nila, dapat ay kinuha nilang sponsor ang SnR. Kasi nga, napansin nila sa mga dala ng fans, S ‘n R ang first letters ng names nila.

Maya’t maya ay pinapansin ni Asia’s Songbird ang nagningning na mga alahas ni Megastar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masuyong hinalikan ni Regine ang kamay ni Sharon, at ginawa rin iyon ni Sharon kay Regine.

Maski sa rehearsal nila noong Oktubre 17, Huwebes, panay-panay ang biruan at tawanan nila.

Sa entablado ay may dalawang malaking bilog sa itaas na animo’y korona. Sa pa-video ay may orb, tipong inspired sa opening ng Game of Thrones. Hirit ni Regine sa rehearsal habang nakasalampak, “Gusto ko, Direk [Rowell Santiago], habang kumakanta ako ng 'Sinasamba Kita,' umiikot iyan!”

Tawang-tawa si Sharon, “Ano ‘to, Avengers?! Ha-ha-ha-ha! Ragnarok?!”

Sa concert proper, labis na marubdob ang pag-awit ni Regine ng "Sinasamba Kita." Ang finale ng Iconic ay mash-up ng "Narito Ako" ni Regine, at "Sana’y Wala Nang Wakas" ni Sharon.

Itinodo nila ang biritan, kaya nagtayuan na ang audience at pinagkalooban sila ng masigabong palakpakan.

Sa pagwawakas ng awit, lumuhod si Regine nang nakayuko sa harap ni Sharon. Pagtayo ni Regine, lumuhod din si Sharon at yumuko sa harap ni Regine. Pagtayo ni Sharon ay mahigpit silang nagyakapan ni Regine.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi na umalis ng stage ang dalawang icon para sa encore.

Sabi ni Tito Gorgy, “Bukas, luluhod kayang muli ang mga icon?”

NOEL FERRER

Mamaya ako manonood. Ang dinig ko, may babaguhin sa repertoire. Para magkaiba ang experience ng first at second night. And I’m sure, mas magiging tight at itotodo na nila ito dahil last show na ito!!! Excited na ako!!!

GORGY RULA

Halata ang pagka-Sharonian at Reginian ni Sir Jerry dahil parang nabitin pa siya sa kinanta ng dalawang icons.

Maganda ang show at malamang, hindi nagsisi ang mga bumili ng tickets kahit PhP11K plus ang halaga ng platinum seats.

Ang napansin ko lang, parang tribute kay Sharon ang Iconic concert na kuwento ng isang fan sa kanyang idolo.

Ewan ko lang mamaya sa second night kung iiyak pa rin nang iiyak si Sharon na sa opening number pa lang nila, naluluha na siya. Lalo siyang sinisipon sa kaiiyak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iniyakan ni Sharon ang "Mr. DJ," "High School Life," at marami pang mga awiting may malaking bahagi sa buhay at career niya.

“Pakasalan ko na kaya ang tissue?!” pagbibiro pa ni Mega.

Ang ganda ng areglo sa mga kanta, gaya ng "Sinasamba Kita" ni Regine, "Buwan" ni Sharon, lalo na ang mash-up nilang "Narito Ako" at "Sana’y Wala Nang Wakas."

Bonggang-bongga!

In fairness kay Sharon, hindi siya lumubog sa sobrang taas ng mga birit ni Regine na nakondisyon nang husto kagabi.

Ramdam ko ang lubos na kaligayahan ni Regine nang sinabi niyang naka-share niya sa iisang entablado ang ina-idolize niya at nagbigay sa kanya ng inspirasyon mula pa noong pagkabata niya.

Napaluha na rin siya at mahigpit na nagyakap sila ni Sharon.

Sana, magkaroon pa ng repeat ang Iconic concert.

Kasi, sa mga sinasabi ni Sharon, parang purisigido na siya sa semi-retirement at pinapaalala pa niya sa fans na sana, huwag siyang kalimutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan sa celebrities na nanonood kagabi ay sina Robin Padilla na tinitilian tuwing lumalabas siya sa wide screen, Gary Valenciano, Vice Ganda, Anne Curtis, Ara Mina, Erik Santos, Angeline Quinto, at siyempre, mga proud husband na sina Ogie Alcasid at Senator Francis "Kiko" Pangilinan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Biritan, biruan, iyakan, luhuran, at yakapan ang nangyari sa Iconic concert nina Regine Velasquez (kaliwa) at Sharon Cuneta (kanan).
PHOTO/S: @ogiealcasid on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results