Priscilla Almeda, nagbabalik-showbiz at gustong maging kontrabida a la Dimples Romana

by PEP Troika
Oct 19, 2019
Mula Canada, bumalik sa Pilipinas at balik-showbiz ang '90s sexy star na si Priscilla Almeda.
PHOTO/S: Jerry Olea (left) / File (right)

JERRY OLEA

Nagbabalik-showbiz si Priscilla Almeda!

Bumalik si Priscilla sa Pilipinas nitong Oktubre 16, Miyerkules matapos ang 15 years na paninirahan sa Canada.

Mapanukso pa rin ang kanyang ganda! Nakipag-meeting siya sa executives ng isang malaking TV network nitong Oktubre 18, Biyernes.

OK lang sa kanya ang mother role. Sa totoong buhay, tatlo ang mga anak niya.

Gusto niyang pumapel na kontrabida. Ang peg ni Priscilla ay si Dimples Romana sa Kadenang Ginto.

Siyempre, nakakaramdam siya ng nerbiyos. Excited si Priscilla na makita ang mga ka-contemporary niya gaya ng Guwapings na sina Jomari Yllana, Mark Anthony Fernandez, and Eric Fructuoso; at si Manila Mayor Isko Moreno na leading man niya sa Seiko movies na Tukso, Layuan Mo Ako 2 (1996) at Exploitation (1997).

Ano kamo ang buhay ni Priscilla sa Canada?

“I worked in an office. I became director of recreation in a senior facility,” sagot ni Priscilla nitong Oktubre 19, Sabado, through her manager Nestor Cuartero.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Kinukulang tayo ngayon ng pang-major support kaya tama lang ang pagbabalik ni Priscilla.

Kaya nga bentang-benta pa rin sina Ina Raymundo, Sunshine Cruz, Alice Dixson, Glydel Mercado, at iba pang aktres na nagpa-sexy.

Mas mabuti rin kung dumaan muna si Priscilla sa acting workshop para makapag-adjust siya sa magagaling na young stars ngayon.

NOEL FERRER

Wow! Ito na ang pagkakataon ni Abby Viduya o Priscilla Almeda na patunayan na hindi lang siya puro gimik katulad noong kabataan niya kundi may talent na taglay!

Kasi kung Ina, Sunshine, Alice, at Glydel ang peg, nag-transition sila mula sa pagiging sexy star sa pagiging respetadong aktres.

Si Abby kaya?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula Canada, bumalik sa Pilipinas at balik-showbiz ang '90s sexy star na si Priscilla Almeda.
PHOTO/S: Jerry Olea (left) / File (right)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results