NOEL FERRER
Nagkaroon ng special presentation ang Rak of Aegis na pa-concert sa 4th night ng Pinoy Playlist Music Festival (PPMF) 2019 nitong Oktubre 18, Biyernes sa BGC Arts Center, Taguig City.
Doon ko nalaman na nangako pala si National Artist Maestro Ryan Cayabyab na susulat ng musika para sa isang gagawing musical ng PETA na namahala sa longest-running Filipino musical of all time na Rak of Aegis.
Noteworthy rin ang pagtatanghal ni Noel Cabangon, na naiiba na ang repertoire from his usual bestselling revival OPM pop music.
Kumanta si Tukayo tungkol sa pagiging Pinoy, traffic, global warning, at ibang mga protest songs dahil iyun ang kulang natin sa ngayon.
The evening ended for me with Joe & Mike Chan na good-looking na, mahuhusay pang kumanta at mag-compose.
Nagpugay pa sila sa kanilamg ama na si Jose Mari Chan by singing "Let’s Stop And Talk A While."
Dahil hit ang mga kamag-anak at kapamilya, magandang i-explore ang pag-imbita ng mga pami-pamilya next year sa Pinoy Playlist Music Fest tulad ng Eigenmanns, Cruzes, Laurels, Avanzados, Padillas, Nieveras, Valencianos, at marami pang iba, di ba?
JERRY OLEA
Ngayong October 19, Sabado ang 5th and penultimate night ng Pinoy Playlist 2019 sa tatlong venue ng BGC Arts Center:
Magpapasiklab sa GLOBE AUDITORIUM ang The Sound of Trumpets (5:00-5:45 PM), Jim Paredes and Boboy Garrovillo of Apo Hiking Society (6:00-6:45 PM), Jon Santos (7:00-7:45 PM), Nicole Laurel Asensio and 201 Big Band with Gian Magdangal (8:00-8:45 PM), Philippine Tenors (9:00-9:45 PM), Coke Bolipata and The Pundaquit Virtuosi (10:00-10:45 PM), at si Nar Cabico (11:00-11:45 PM).
Magpapakitang-gilas sa ZOBEL DE AYALA RECITAL HALL sina Janine Tenoso (5:00-5:45 PM), Brat Pack (6:00-6:45 PM), Bo Cerrudo (7:00-7:45 PM), RJ Jimenez/Issa Rodriguez (8:00-8:45 PM), Ethan Loukas/Mark Carpio (9:00-9:45 PM), Working Stiff (10:00-10:45 PM), at Star Music Artists (11:00-11:45 PM).
Magpapayanig sa SUN LIFE AMPITHEATER ang Assembly Generals/Ysanygo (5:00-5:45 PM), Gemcache (6:00-6:45 PM), Rubberpool (7:00-7:45 PM), Thyro and Yumi (8:00-8:45 PM), at Awit Awards (9:00-9:45 PM).
Kita-kita po tayo! Tangkilin natin ang musikang atin, sariling atin!
GORGY RULA
Pagkatapos ng iskandalong pinagdaanan ni Jim Paredes, tuloy ang buhay at pag-share niya ng mga awiting pinasikat ng Apo Hiking Society.
Sana, magkaroon talaga ng reunion silang tatlo at isantabi na ang kung ano mang isyu nila noon.
Pagkatapos ng konsepto ng collaboration ngayong taon sa PPMF, sana ay mga comeback o reunion naman sa susunod na taon, at dito na sana makumpleto sina Jim, Boboy, at Danny Javier.