Fortysomething actor, may kapilyuhan noong kanyang kabataan

by PEP Troika
Oct 22, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Lubhang simpatiko ang guwapitong aktor at kahit fortysomething na siya ay napaka-charming pa rin niya, at napakalakas ng appeal.

Ipinagmamalaki ng kanyang mga kasabayan sa showbiz ang tinatamasa niyang tagumpay, at laksa-laksa ang gustong makipag-selfie sa kanya.

Mabangung-mabango ang dating ng simpatikong aktor, na noon pa man ay pinagnanasaan ng kababaihan at kabadingan.

Nauungkat tuloy ang kanyang mga kapilyuhan noong kanyang kabataan.

Kuwento ng isang lalaking negosyante na dating katropa ng simpatikong aktor sa isang panghapong programa sa telebisyon, “Hindi ako nagtataka na maraming naghahabol at nahuhumaling sa kanya. Sadyang mainit siya sa pag-ibig, at dakilang lahi ang kanyang pinagmulan. Genuine ang kanyang Felix Bacat, hindi fake news.”

Tunay na malalapit sa isa’t isa silang magkakabarkadang aktor na pawang barako at brusko, at hindi nagkakahiyaan.

Ayon pa sa negosyante, mahilig noong manood ang simpatikong aktor ng mahalay na palabas, at walang keber ito sa pagsasariling-sikap kaya natunghayan niya ang nakapaling na kadakilaan nito.

Continue reading below ↓

“Ang ginagawa pa niya, kapag mag-e-erupt na ang Mayon Volcano, tumatayo siya at pinapatalsik ang lava sa malaking TV!” natatawang kuwento ng negosyante.

NOEL FERRER

Rags to riches ang istorya ng simpatikong aktor na marunong sa giya ng buhay. May kaakibat din siyang swerte.

Mas lumawak ang kanyang ginagalawan at hindi siya napirmi sa showbiz.

Hinamak siya noon ng mga tao dahil sa pagbigkas niya sa pangalan ng sosyaling young actress na katambal niya sa pelikula.

Saan kamo pinulot ang mga nanlait sa simpatikong aktor? Sa basurahan!

GORGY RULA

Ang layo na ng narating nitong simpatiko at guwapitong aktor.

Pero hinding-hindi rin makakalimutan ang mga mahaharot na kuwento tungkol sa kanya.

Minsan sa isang shooting na kinunan sa tabi ng dagat, dumalaw kami roon para ma-interview ang mga artistang involved sa pelikula.

Kasama roon itong simpatikong aktor na nadatnan naming nakipagtsikahan sa mga staff at crew habang hinihintay ang take niya.

Continue reading below ↓

Naka-khaki shorts ito at sando na nakasalampak sa mahabang bangko.

Tsika nang tsika si aktor sa amin. Sobrang kumportable siya sa pakikipagtsikahan sa amin na nakabukaka.

Hindi ako mapakali habang kaharap siya dahil may punit ang bandang harapan ng shorts na pahaba nang pahaba ang punit habang bumubuka-bukaka siya.

Napatulala ako nang biglang lumuwa sa punit ang puting underwear na parang may malaking bato sa loob.

Nabigla kaming lahat, walang nangahas na magsabi sa kanya, hanggang sa sinabi ko na rin.

Napakibit-balikat lang siya at kaswal na kaswal lang na sinabi niyang, “Hayaan na ninyo. Hindi naman ninyo makukuha iyan.”

Pero umayos na rin sa pagkaupo ang simpatikong aktor.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results