Unforgettable ni Sarah Geronimo, makaapekto kaya sa box-office gross ng Isa Pa With Feelings?

by PEP Troika
Oct 23, 2019
Sarah Geronimo, ginalingan daw nang husto sa pagganap bilang babaeng may autism sa Unforgettable.
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Blessing-in-disguise na naligwak ang Just A Stranger sa third Pista ng Pelikulang Pilipino.

Blockbuster ang nasabing Viva movie starring Anne Curtis at Marco Gumabao nang mag-open sa local theaters noong Agosto 21.

Tagumpay rin sa takilya ang dalawang kasunod na Viva comedies.

Una ay ang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo nina Dennis Padilla, Andrew E, at Janno Gibbs na nag-open noong Setyembre 4. Pangalawa ang launching movie ni Kim Molina na #Jowable na nag-open noong Setyembre 25.

Maganda, matino, at makatuturan ang Edward na prinodyus ng Viva para sa Cinemalaya 2019 indie film fest, pero matamlay ang pagtangkilik dito ng moviegoers nang mag-open ito sa mainstream theaters noong Oktubre 2.

Mag-o-open ang bagong Viva movie na Unforgettable ngayong Oktubre 23, kasabay ang Hollywood movie na Zombieland: Double Tap.

Bida sa Unforgettable si Sarah Geronimo bilang isang babaeng may Autism Spectrum Disorder (ASD).

Sabi-sabi, ang galing-galing ni Sarah sa pelikulang ito. Pam-best actress daw ang akting.

Continue reading below ↓

Makaapekto kaya ang Unforgettable sa Isa Pa, With Feelings, kung saan ang husay-husay ni Carlo Aquino bilang isang binatang bingi na inibig ni Maine Mendoza?

Pam-best actor ang akting ni Carlo sa Isa Pa With Feelings, huh?!

NOEL FERRER:

In fairness, nagsipag si Sarah sa mall shows ng bago niyang pelikula.

Parang ang linis at aliwalas ng pagkaka-handle ng promo na kitang-kita sa napaka-wholesome na presence ng pet dog niya.

Ang tanong, kagatin kaya ito ng masa? Harinawa!

Isa pa Tito Gorgs, pakitanong kung ano ang CEB grade ng Unforgettable.

Good luck sa opening nito!

GORGY RULA:

Grade B ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board (CEB) sa Unforgettable.

Gusto ko ang pelikula, lalo na't napakahilig ko sa doggies.

Sabi nga ni Sarah, “Part po talaga ito ng bucket list ko bilang aktres na makagawa ng dog movie. So, eto na po."

Karamihang feedback na nakuha ko, ibang Sarah ang mapapanood sa pelikulang ito. Aktres na aktres daw.

Continue reading below ↓

Agree naman ako, dahil na-handle siyang mabuti ni Direk Jun Lana sa pelikulang ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo, ginalingan daw nang husto sa pagganap bilang babaeng may autism sa Unforgettable.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results