Betong Sumaya, tatlong taon ang hinintay bago pumayag mag-concert

by PEP Troika
Oct 23, 2019
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Ngayon lang napa-oo ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya na mag-concert kahit matagal na siyang kinukumbinsi gawa ng bentang-benta siya sa shows ng GMA Pinoy TV sa ibang bansa.

“Three years na akong inalok nila na mag-concert, pero sabi ko, huwag muna.

"Pero this year, sabi ko, medyo espesyal na araw, tamang-tama birthday ko rin, November 21.

“So, parang first birthday and thanksgiving concert at the same time,” pakli ni Betong sa kanyang pocket presscon nitong October 22, Martes, sa Tiyo Craft, Sct. Rallos St., Quezon City.

Sa November 21 ang concert niya sa Music Museum na pinamagatang Betong’s Amazing Concert: Try Ko Lang Ha?

“Parang sinasabi ko lang na susubukan ko lang po.

“Kung ano man po ang tingin ninyo, kayo na ang bahala, kayo na ang humusga,” sabi ng komedyante.

Dito gagawin ni Betong ang lahat ng nagawa niya sa stage, pati mga karakter na pinasikat niya sa Bubble Gang, kagaya ng Antonietta.

Continue reading below ↓

Sa Bubble Gang kasi, nag-Antonietta siya kung saan kumukuha sila ng special guest na sasampal sa kanya.

Halos lahat ng mga nagkontrabida sa mga GMA drama series ay nag-guest na sa kanya at nasampal siya, pero ang hindi niya makalimutang nakatikim siya ng masakit na sampal ay mula kay Jean Garcia.

“Kay Ms. Jean kasi, kanan, kaliw, at parang mag-asawang sampal na hindi mo alam kung kakanan ka o kakaliwa.

“Yun ang pinakamatindi. Pero sobrang bait na naging part ng kontrabida.

“Kontrabida sila sa role, pero lahat ng sampal nila, may halong pagmamahal,” napapangiting pakli ni Betong.

Kaya naghahanap pa raw sila ng maggi-guest na sasampal sa kanya.

Inaasahang dadagsa ang special guests ni Betong dahil gusto niyang maging bahagi sa kanyang first concert ang mga nakasama niya sa mga first na nagawa niya sa TV.

Kagaya ni Dindong Dantes na bida sa first teleserye niya, si Michael V na first gag show niya sa Bubble Gang, pati ang ilan pang nagawa niyang ValenChaGa na sina Valeen Montenegro, Chariz Solomon, at Lovely ‘Ga’ Abella.

Continue reading below ↓

Kasama rin ang mga ilang kasamahan niya sa Survivor at close friends na sina Anthony Rosaldo, Miguel Tanfelix, at Alden Richards.

Kaya asahan ang napakarami niyang special guests na ikinatatakot daw niyang baka magmukha na lang siyang guest sa big stars na tampok sa concert na ito.

Abangan natin kung may karapatan na bang mag-concert si Betong Sumaya.

NOEL FERRER

Wow! Good luck, Betong!!! Mabait naman iyang tao kaya pagpapalain.

With his co-stars at yung mga nakasama na sa shows, sana ay makahatak pa ng mas maraming audience.

Plus Miguel Tanfelix at ang push-kete-push ng friend mo Gorgy na si Anthony Rosaldo and siyempre, si Alden Richards, ano kayang exciting na gagawin nilang lahat?

Mabuhay!!!

JERRY OLEA

Parang kailan lang ang paglahok at pagwawagi ni Betong Sumaya sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles (Nobyembre 2011-Pebrero 2012).

Meron pang nagpatutsada sa kanya na kesyo meron siyang hindi napanindigan.

Paninindigan kaya ni Betong ang pagiging concert performer?

Continue reading below ↓

Tanghalin kaya siyang Comedy Concert King?

Masaya kung kakanta si Antonietta ng "I Will Survive," di ba?

Bet kong sabunutan at sampal-sampalin siya nina Mara Yokohama at Stef Prescott na kinabog niya sa finale ng Survivor.

Suntok sa buwan kasi kung papangarapin kong magtulung-tulong sa pagsampal-sampal kay Betong ang Barretto Sisters na sina Gretchen, Marjorie & Claudine.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results