Penduko ni Matteo Guicidelli, iba sa naudlot na Pedro Penduko movie ni James Reid

by PEP Troika
Oct 23, 2019
Matteo Guidicelli, posible kayang makasama sa isang Viva movie ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo?
PHOTO/S: Rachelle Siazon

JERRY OLEA:

Noong Hulyo 10 pa natin naiulat dito sa PEP Troika, "Matteo Guidicelli, bagay maging kapalit ni James Reid bilang Pedro Penduko."

Tanong natin noon pa man, kung si Matteo na ang Pedro Penduko, si Nadine Lustre pa rin ba ang gaganap dito bilang Maria Makiling? O si Sarah Geronimo na?

Ang magdidirek ng Pedro Penduko movie ni Matteo ay ang box-office director na si Jason Paul Laxamana (JPL).

Noong Hulyo pa nag-resign sa nasabing Pedro Penduko project ang original director nito na si Treb Monteras.

Ang tanging reason ni Direk Treb ay "schedule problems."

May ibang project na rin kasi siya. Sabi rin namin noon pa, tila sumusunod si Pedro Penduko sa mga yapak ni Darna—paiba-iba ng casting at direktor.

Iba na ang title ng pelikulang ito. Hindi na Pedro Penduko: The Legend Begins, kundi Penduko na lang.

Iba na rin ang istorya. Si Direk JPL na ang sumulat ng kuwento.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER:

Sa paglipat ni Matteo sa Viva, alam natin na itong Penduko ang puwedeng banner project that was dangled to him.

With his new positioning as a military man and a government servant, may added value si Matteo.

Sa showbiz, we are waiting for his next significant move.

OK ang Penduko project at pagho-host ng Viva events.

But will Viva eventually pair him finally with his lady love Sarah Geronimo? Let’s wait and see!!!

GORGY RULA

May instruction bang hindi puwedeng magsama sa isang project sina Sarah at Matteo?

Sa mga nakaraang interviews noon kay Sarah, napapangiti lang siya kapag may mga tanong kung puwede silang magsama sa isang film project o kahit sa concert.

May inquiries pa noon na concert kay Sarah at gustong kuning guest si Matteo, pero hindi ito natutuloy.

May naririnig kasi akong hindi muna sila puwedeng pagsamahin. Maaaring bahagi ng career plan nila sa dalawa.

Continue reading below ↓

Pero sa tingin ko, mas OK ang ganoon, para hindi nagagamit ang relasyon nila sa publicity.

Kaya ewan ko lang kung may partisipasyon si Sarah sa Penduko movie ni Matteo.

Tamang-tama lang itong pagkapili kay Matteo bilang Pedro Penduko, pagkatapos niyang pumasok sa military.

Mula sa isang Australyano, ibinigay naman ang karakter na ito sa Italyano, pero Pinoy na Pinoy ang puso.

JERRY OLEA

Ipinost ni Direk Jason Paul Laxamana ang insights niya sa Pedro Penduko nitong Oktubre 23, Miyerkules ng hapon, sa Facebook.

Ani Direk JPL, “When I was offered to write and direct the new Pedro Penduko movie starring Matteo Guidicelli, I excitedly answered yes even though I knew it was going to be a big responsibility.

“But because I am fond of Filipino entertainment that features bits and pieces of Filipino culture, heritage and identity; and my childhood is filled with stories of adventure and the supernatural, I confidently said yes. @I reviewed all past incarnations of Penduko — original comics, the movie starring Ramon Zamora and Janno Gibbs, the TV series starring Matt Evans — to find out if there’s a common origin story, lore or narrative arc.

Continue reading below ↓

“There isn’t. The Celso Ad. Castillo-directed version is even a musical!

“But one thing is for sure: Penduko, no matter which incarnation you look at, has been consistent in being a platform to explore and showcase elements of Filipino folklore.

“So I vanquished the anxiety brought about by the possibility of screwing up any established lore. There isn’t an established lore, but there is an established essence, and it is that essence which I wish to continue and develop in this reimagining of Pedro Penduko.

“May the diwatas guide me in this endeavor!”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli, posible kayang makasama sa isang Viva movie ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo?
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results