Zanjoe Marudo biktima ng mambabarang sa MMK; Lovi Poe inagawan ng sariling ina at kapatid sa Magpakailanman

Sino ang mas aangat sa TV ratings: MMK tampok si Zanjoe Marudo o Magpakailanman na bida si Lovi Poe?
by PEP Troika
Oct 23, 2019
Tampok si Zanjoe Marudo bilang biktima ng mambabarang sa Holloween episode ng MMK ngayong Sabado, October 26; tampok naman si Lovi Poe sa episode ng Magpakailanman tungkol sa babaeng inagawan ng boyfriend ng sariling ina at kapatid.
PHOTO/S: MMK / Magpakailanman Facebook

JERRY OLEA

Replay ang Halloween presentation ng MMK sa Oktubre 26, Sabado ng 8:15 P.M., pagkatapos ng The Voice Kids Season 4 sa ABS-CBN.

Tampok sa episode na ito sina Zanjoe Marudo at Isabel Oli.

Noong Oktubre 29, 2016 pa ito ipinalabas sa MMK.

Bida naman si Lovi Poe sa episode ng Magpakailanman sa Sabado night.

Kaabang-abang ang papel dito ni Lovi bilang isang dalagang mabait at mapagparaya.

Tatlong beses siyang inagawan ng boyfriend. Ang mga nang-agaw... dalawa niyang kapatid, at ina!

NOEL FERRER

Takutan season na pala—at laging mataas ang ratings ng mga palabas na nakakatakot kapag Undas.

Magwagi pa rin kaya sa ratings ang MMK kahit replay ang episode?

O kay Lovi papanig ang mga tao, na ang istorya at hindi nalalayo sa teleserye sa totoong buhay ng Barretto Sisters?

GORGY RULA:

Ayon sa AGB NUTAM, mataas pa rin ang MMK (life story ni Yamyam Gucong) na 13.6% versus Magpakailanman (starring Shaira Diaz bilang psychic sa Dumaguete) na 9.3% noong nakaraang Sabado, Oktubre 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa national TV ratings ng Kantar Media, ang MMK ay naka-26.7%, samantalang ang Magpakailanman ay naka-13.1%.

Tingnan natin kung kayang palakasin ni Lovi Poe ang Magpakailanman sa Sabado, Oktubre 26.

Pawang guestings muna si Lovi sa GMA-7, pero meron na raw siyang sisimulang drama series.

Abala muna si Lovi sa promo ng The Annulment nila ni Joem Bascon para sa Regal Entertainment. Magsu-showing na ito sa November 13.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok si Zanjoe Marudo bilang biktima ng mambabarang sa Holloween episode ng MMK ngayong Sabado, October 26; tampok naman si Lovi Poe sa episode ng Magpakailanman tungkol sa babaeng inagawan ng boyfriend ng sariling ina at kapatid.
PHOTO/S: MMK / Magpakailanman Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results