Ruru Madrid, nanghinayang sa pelikula sana nila ni Maureen Wroblewitz

by PEP Troika
Oct 25, 2019
Ruru Madrid sa hindi pagkakatuloy niya bilang leading man sa launching movie ni Maureen Wroblewitz: “Ito yung first film niya na sana… kumbaga, matagal na rin ako sa industriyang ito, masaya ako na yung una niyang katrabaho, ako sana."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

GORGY RULA

Nanghinayang si Ruru Madrid na hindi na niya magagawa ang isa pa sanang project na gustung-gusto niyang gawin.

Ito yung launching movie ni Maureen Wroblewitz na gagawin ng Reality Entertainment.

Si Ruru sana ang napiling leading man, pero hindi sila nagkasundo sa schedule gawa ng kasagsagan ito ng promo ng pelikula niyang Cara X Jagger na magsu-showing na sa November 6.

Magsisimula nang mag-shoot next week ang movie ni Maureen, kung saan kukunan pa sa New Zealand hanggang November 5, kaya hindi talaga pumuwede sa schedule ni Ruru.

“Nakakalungkot, kasi project po yun saka kaibigan ko din naman si Mau.

“Ito yung first film niya na sana… kumbaga, matagal na rin ako sa industriyang ito, masaya ako na yung una niyang katrabaho, ako sana.

“Wala, e... gawa ng schedule na mahirap… hindi talaga kaya.

“I am hoping na someday magkatrabaho kami and… sana mag-work yung project nila, kasi ang ganda, e.

Continue reading below ↓

"Nakita ko na yung script," pahayag ni Ruru sa mediacon ng Cara X Jagger noong Oktubre 23, Miyerkules, sa La Chandele Events Place.

JERRY OLEA

Ito ang unang pelikula na bida si Ruru. Dapat lang na tumutok siya sa promo nito.

Dapat magsipag pa sila ni Jasmine sa paghihikayat sa moviegoers na panoorin ang kanilang movie.

Nawa’y may chemistry sila, at huwag matulad sa sinapit ng Because I Love You nina Shaira Diaz at David Licauco.

Karamihan kasi sa mga pelikulang palabas lately ay spaghetti’ng pababa nang pababa ang kita sa takilya.

NOEL FERRER

Sayang at kahit magsipag sa promo, parang yung combination nina Ruru at Jasmine ay tinimbang ngunit kulang at walang ingay.

Aasa na lang tayo na sana—dahil pareho silang magagaling na artista—ay maki-carry nila ang pelikula nang maayos at sana, kumonek ito sa mga manonood.

Ay, naku... next good project sana for Ruru, please!!!

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid sa hindi pagkakatuloy niya bilang leading man sa launching movie ni Maureen Wroblewitz: “Ito yung first film niya na sana… kumbaga, matagal na rin ako sa industriyang ito, masaya ako na yung una niyang katrabaho, ako sana."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results