Marlo Mortel, walang suwerte sa mga sinasalihang contests

by PEP Troika
Oct 25, 2019
Marlo Mortel on joining Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions: “Nakakanerbiyos, ha? Kahit nga si Ethel, magkasunod kami, ninenerbyos siya. Kasi parang... artista ka na pag pumalpak ka pa, parang nakakahiya, di ba?”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Sobrang nanghinayang si Marlo Mortel na hindi siya nanalo sa celebrity edition ng "Tawag ng Tanghalan" sa It’s Showtime.

Magaling naman daw talaga kasi si Ethel Booba, kaya tanggap niya ang pagkatalo.

Pero dapat daw kasi ay mas maaga ang schedule ng laban niya, pero hindi niya alam bakit siya naurong at napatapat tuloy kay Ethel.

“Nakakanerbiyos, ha? Kahit nga si Ethel, magkasunod kami, ninenerbyos siya.

“Kasi parang... artista ka na pag pumalpak ka pa, parang nakakahiya, di ba?” bulalas niya nang nakatsikahan namin sa mediacon ng pelikulang Santigwar nitong Oktubre 24, Huwebes, sa Max’s Restaurant, Quezon Avenue, Quezon City.

Doon daw niya na-realize na wala talaga siyang suwerte sa contests na sinalihan niya.

Naligwak siya sa Are You The Next Big Star? ng GMA-7.

Pagkatapos nun, sa StarStruck, na hanggang Top 30 lang daw siya at kasabay pa niya noon si Alden Richards.

Sumali rin siya sa The X Factor na naging way raw niya kaya siya nakapasok sa Be Careful With My Heart.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Marlo, “Mahilig talaga ako sa singing contest, kaya sali ako nang sali.

“Dapat nga, magkateleserye ako nun sa GMA dahil kay Kuya Germs.

“Nag-quit ako, kasi nga, nakita ko, may audition sa ABS ng X Factor.

“Kinabukasan na yung taping, support ako doon sa Daldalita [2011] kahit hindi naman ako kilala.

“Nag-quit ako. Sabi ko, mag-aaral ako, pero ang totoo, nakita ko na may audition ng X Factor, 'tapos eight months pa pala bago mag-start.

“So ibig sabihin, ipinagpalit ko lahat... umalis pa ako sa Walang Tulugan.

“Pagsali ko sa X Factor, natanggal naman ako agad sa boot camp.

“Yun kasi talaga ang pinasok ko sa showbiz, sa singing talaga.

“Kaya ang una kong sinalihan, Are You the Next Big Star? sa GMA, hindi ako nakapasok.

"'Tapos sa StarStruck, hanggang top 30 lang ako, pero dun naman ako napansin ni Kuya Germs.”

NOEL FERRER

Baka iba talaga ang calling ni Marlo!

Continue reading below ↓

Kasi naman, mahirap talaga at mahuhusay talaga ang nasa "Tawag Ng Tanghalan."

At least, pangatawanan at magiging consistent lang si Marlo na gagalingan lagi sa pagkanta, liligaya rin siya.

Basta!!!

JERRY OLEA

Nanghinayang si Ruru Madrid dahil hindi siya puwede sa launching movie ni Maureen Wroblewitz.

Nanghinayang si Marlo Mortel dahil ligwak siya sa celebrity edition ng "Tawag Ng Tanghalan."

Sana, tantanan nila ang panghihinayang, magmuni-muni sila kung ano ang ipinapahiwatig sa kanila ng sangkalawakan.

May isa pang movie si Marlo, ang musical na Damaso. Nawa’y masumpungan ni Marlo kung saang sulok ng showbiz siya nararapat.

Otherwise... nakakanerbiyos, ha?!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marlo Mortel on joining Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions: “Nakakanerbiyos, ha? Kahit nga si Ethel, magkasunod kami, ninenerbyos siya. Kasi parang... artista ka na pag pumalpak ka pa, parang nakakahiya, di ba?”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results