Golden Cañedo, nakipagsabayan sa The Clash judges sa concert nila sa Los Angeles

by PEP Troika
Oct 25, 2019
The Clash judges na sina Christian Bautista, Ai Ai delas Alas, at Lani Misalucha, nagpatunay sa galing at talento ng The Clash Season 1 champion na si Golden Cañedo (kaliwa) nang mag-concert sila sa Los Angeles.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Very proud ang judges ng The Clash na sina Ai-Ai delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha kay Golden Cañedo—ang napili nilang champion sa unang season ng Kapuso reality talent show.

Kahit saan mag-perform si Golden, pinupuri siya dahil sa galing niya sa pagkanta.

Nang mag-concert ang The Clash sa Arcadia Performing Arts Center sa Los Angeles, California, noong October 19, nagpakitang-gilas doon si Golden.

Kuwento ni Christian sa taping ng The Clash nitong Oktubre 24, Huwebes, tuwang-tuwa sila sa napaka-positive na feedback ng mga kababayan natin sa L.A. kay Golden.

Pangalawang performance na iyon ni Golden sa ibang bansa. Ang una ay sa New York at pangalawa itong concert nila sa L.A.

"Ang galing niya talaga. Palagi ko nga sinasabi na tama iyong pagpili namin sa kanya.

"Tamang-tama na siya iyong champion, kasi she’s so small, she can really reach those high notes, e. Maggu-grow pa siya," pahayag ni Christian.

Continue reading below ↓

Masaya rin niyang ikinuwentong very successful ang concert nilang iyon dahil karamihan sa mga nanood ay na-miss nila si Lani, na matagal na rin daw kasing hindi nakapag-show sa Las Vegas.

"It was good to see her again ng mga Kapuso natin doon.

"At si Ms. Ai Ai, of course, yung mga costume change, yung mga funny antics. Talagang kuwela talaga.

"It’s a good show to tour," pakli ni Christian.

Wish din ni Christian na maisama niya sa tour ang asawa niyang si Kat Ramnani.

Pero hindi pa raw kasi ito puwedeng makapag-leave sa office na pinagtatrabahuan.

Mabuti na ring makapagpasyal-pasyal na raw silang dalawa, dahil balak nilang magka-baby na sa susunod na taon.

JERRY OLEA:

Ginintuan talaga ang tinig ni Golden.

Napanood ko siya sa Pinoy Playlist Music Festival, at humanga ako sa kanya.

Nawa’y i-develop pa ang personalidad at ningning ni Golden. Mag-aral siya upang maiwasan ang grammatical errors sa spiels.

Continue reading below ↓

Kailangang may program para sa kanyang career. Ilatag ang plano, ang mga dapat makamit sa pagtakbo ng panahon.

Kasama ni Golden si Ken Chan at tatlo pang Kapuso artists nang mag-perform sila sa Zobel de Ayala Recital Hall.

Maliit lang ang venue pero hindi pa nila napuno, samantalang maganda ang kanilang time slot.

Mas marami pa ang nanood kay Tim Pavino nang mag-perform ito sa nasabing venue!

NOEL FERRER:

Tama ka, Jerry, mahusay si Golden na naka-gold outfit sa Pinoy Playlist.

Sana, maiikot pa nila si Golden. Kasi, dapat kumawala siya sa hitsurang galing singing contest.

At kailangang magpasikat siya ng original song na magiging anthem niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Clash judges na sina Christian Bautista, Ai Ai delas Alas, at Lani Misalucha, nagpatunay sa galing at talento ng The Clash Season 1 champion na si Golden Cañedo (kaliwa) nang mag-concert sila sa Los Angeles.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results