TV Patrol, tiba-tiba sa ratings dahil sa coverage ng controversial Barretto family feud

by PEP Troika
Oct 25, 2019
TV Patrol ng ABS-CBN, kinabog ang 24 Oras ng GMA-7 dahil sa exclusive interviews kaugnay ng sanga-sangang kontrobersiya sangkot ang Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine.
PHOTO/S: @juansarte / @marjbarretto / @claubarretto Instagram

#TheBarretoFamilyFeud

JERRY OLEA:

Wagi sa national TV ratings (Urban + Rural) ang eksklusibong interbyu ng TV Patrol kina Marjorie Barretto at Atong Ang, ayon sa Kantar.

Noong Oktubre 22, Martes, tampok sa naturang ABS-CBN prime-time newscast ang 17-minute interview ni Karen Davila kay Majorie.

Naka-28.9% ang TV Patrol, kontra sa 20.5% ng GMA-7 prime-time newscast na 24 Oras.

Nitong Oktubre 24, Huwebes, ipinalabas sa TV Patrol ang panayam ni Kabayan Noli de Castro kay Atong.

Naka-30.1% ang TV Patrol, kontra sa 17.9% ng 24 Oras.

Naglalagablab pa rin ang mga chika at rebelasyon sa BFF (Barretto Family Feud).

Marami ang nagre-request online na si Boy Abunda naman ang magkaroon ng eksklusibong panayam kay Gretchen Barretto para sa TV Patrol!

GORGY RULA:

Iyon naman kasi talaga ang totoong teleseryeng sinusubaybayan ng lahat.

Marami ang nagsasabing "Sana, tama na. Huwag nang patulan ang mga sinasabi nila."

Pero dahil sa likas na talaga ang pagkatsismosa ng Pinoy, patuloy pa ring sinusubaybayan.

Continue reading below ↓

Boring sa mga manonood ang mga positibo at masasayang kuwento. Ang gusto nila, iskandalo!

NOEL FERRER

Akala ko, administrative directive yung hindi pagpatol ng GMA-7 sa Barretto Family Feud noong unang araw, hanggang sa nag-file na ng mga report na may bahid ni Claudine Barretto ang kaibigan nitong reporter na si Nelson Canlas.

So, in the market din pala sila.

Now, sana ay magkaroon ng mas malakas na call na CEASEFIRE at tumahimik ang concerned parties dahil walang panalo.

Sirang-sira na ang pamilya nila.

Imbes na magdalamhati sa pagyao ng kanilang ama ay ito pang eskandalo ang pumalit.

At tayong spectators, don’t we deserve better?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV Patrol ng ABS-CBN, kinabog ang 24 Oras ng GMA-7 dahil sa exclusive interviews kaugnay ng sanga-sangang kontrobersiya sangkot ang Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine.
PHOTO/S: @juansarte / @marjbarretto / @claubarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results