Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, excited na sa first business venture nila

by PEP Troika
Oct 26, 2019
Magkasosyo ang magkasintahang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa isang barber shop na magbubukas sa SM THe Block ngayong Sabado, October 26.
PHOTO/S: Courtesy of Ogie Narvaes Rodriguez

GORGY RULA

Dinalaw ng magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nitong October 25, Biyernes ng gabi, ang Barbero Blues barber shop sa 5th level ng The Block, SM North EDSA, Quezon City.

Excited na sila sa first venture nilang dalawa na personal na inaasikaso ni Daniel.

Si Daniel ang nakaisip ng pangalan ng shop na Barbero Blues at siya rin ang namili ng nababagay na design sa shop, pati ang logo at pagpili sa mga na-hire na barbero.

Noon pa man ay sinasabi na ni Daniel na gusto rin niyang mag-invest sa negosyo kasama si Kathryn.

Nakikita niya kasing maganda ang Kathnails ni Kathryn, kaya itinuloy na nila itong barber shop na malapit sa nail shop ng aktres.

Ngayong Oktubre 26, Sabado ng 3 P.M., ang grand opening, at meron pa silang isa pang branch sa SM Fairview na malapit na ring buksan.

NOEL FERRER

Mukhang pangmatagalan na ang relasyong KathNiel dahil long-term na ang iniisip nilang partnership—even beyond show business.

Continue reading below ↓

Okey iyan dahil natututo silang mag-ipon for their future.

We wish them all the best sa kanilang panibagong venture. Bale mala-conjugal business na rin ito, di ba?

Oh well, basta sila... at sa kanila yung dalawa!

JERRY OLEA

Naalala ko tuloy sina Karylle at Dingdong Dantes na magkasosyo sa negosyo noong sila pa...

Nawa’y lalong tumibay ang KathNiel ngayong may business venture na sila together.

Mabuhay ang bagong business partners!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magkasosyo ang magkasintahang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa isang barber shop na magbubukas sa SM THe Block ngayong Sabado, October 26.
PHOTO/S: Courtesy of Ogie Narvaes Rodriguez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results