Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, sanib puwersa sa bagong business

by PEP Troika
Oct 26, 2019
Daniel Padilla and Kathryn Bernardo thank their fans and showbiz friends who attended the grand opening of their new business, Barbero Blues, at The Block, SM North EDSA in Quezon City this Saturday, October 26, 2019.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Masaya ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa suporta ng fans at malalapit na kaibigan sa grand opening ng kanilang Barbero Blues barber shop ngayong Sabado, Oktubre 26, sa 5th level ng The Block, SM North EDSA, Quezon City.

Dumalo ang mga malalapit nilang kaibigang sina Ria Atayde, Dominic Roque, Patrick Sugui, at Vivoree Esclito ng PBB.

Dumating din ang ama ni Daniel na si Rommel Padilla, at ang Mommy Min ni Kathryn.

Sabi nila, hindi lang daw sa kanilang dalawa ang negosyong iyun kundi kasama rin sina Mommy Min at Karla Estrada.

Pahayag ni Daniel, “Goal namin iyan bilang partners na mag-venture sa business, at investment na rin sa kinikita.

“Yan ang natutunan ko sa Mom ni Kathryn. Talagang very wise, fountain of wisdom namin iyan.”

Masyado pa raw maaga para pag-usapan ang kung ano man ang plano nilang dalawa sa kanilang relasyon, pero paghahanda talaga ito sa future nilang dalawa.

Continue reading below ↓

“Future naming dalawa, para lang… aside sa trabaho natin, meron din tayong business.

“Very lucky na nandiyan si Mama, iyung mga nagga-guide sa amin para turuan kami sa ganitong mundo,” sabi ni Kathryn.

“Ang plano naman namin, more businesses. Hindi naman habang buhay na mag-aartista ka, e.

“Darating ang panahon na gusto na naming mag-relax, mag-settle… iyun, naghahanda na tayo,” dagdag na pahayag ni Daniel.

Lalong pinatitibay ang kanilang relasyon nitong mga sinimulan nilang negosyo.

“Growth iyan ng isang relationship,” nakangiting pakli ni Kathryn.

“Mismo!” dugtong ni Daniel.

NOEL FERRER

Total beauty package na ang meron ang buo nilang pamiiya. Wagi!

Buo ang paghanga ko sa mga taong bata pa lang ay responsable na at nag-iimpok, at may plano na para sa kanilang kinabukasan.

May your tribe increase, KathNiel!

JERRY OLEA

Sa panahon ng pagkakawatak-watak ng Pamilya Barretto, ibayong good vibes ang dulot ng pagsasanib-puwersa ng mga pamilyang Padilla at Bernardo.

Continue reading below ↓

Congrats, Kath & DJ!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla and Kathryn Bernardo thank their fans and showbiz friends who attended the grand opening of their new business, Barbero Blues, at The Block, SM North EDSA in Quezon City this Saturday, October 26, 2019.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results