Maleficent at Joker, patuloy na umaariba sa takilya; Isa Pa With Feelings at Unforgettable, kumusta naman kaya?

by PEP Troika
Oct 28, 2019
(L-R) Angelina Jolie as Maleficent: Mistress of Evil; Joaquin Phoenix as Joker; Carlo Aquino and Maine Mendoza in Isa Pa With Feelings; and Sarah Geronimo in Unforgettable.

JERRY OLEA

Pito ang mga sinehan sa Trinoma.

Sa pitong sinehan, dalawa sa mga ito ay nakatoka sa Maleficent: Mistress of Evil.

Kahit dalawa ang sinehan ng Maleficent sequel sa Trinoma, at kahit nasa second weekend of showing ang dark fantasy adventure nina Angelina Jolie at Elle Fanning, pila-pila pa rin ang moviegoers dito noong Sunday night, October 27.

Maleficent: Mistress of Evil ang pinakamalakas sa Trinoma noong Linggo ng gabi, at pangalawa rito ay ang Joker na nasa third weekend na ng showing.

Obvious ang mga iyan sa ipina-flash na “seats taken” for each theater.

Sa tantiya ko, ang pangatlong pinakamalakas ay ang Zombieland: Double Tap.

Ang pinakamahina, iyong Gemini Man na nasa maliit na sinehan.

Rated G (General Patronage) ang Maleficent sequel, at naaliw ako sa pelikula.

Tuwang-tuwa ako sa wedding scene. SWAK (sealed with a kiss)!

Sa Oktubre 30, Miyerkules, tamang-tama sa Halloween ang Hellcome Home ni Dennis Trillo.

Continue reading below ↓

Kung hindi ako nagkakamali, makakasagupa nito sa opening day ang Terminator: Dark Fate at animated comedy na The Addams Family.

NOEL FERRER

Nakakatakot ang mga panahon ngayon.

Parang nasa Undas mode na ang spending ng mga tao—at hindi sila naglalabas ng maraming pera.

Yun lang ang masasabi ko... parang ghost story, nakakatakot ang pakikipagsapalaran sa box office nowadays!

GORGY RULA

Nanood ako kagabi ng Isa Pa With Feelings sa Glorietta Makati. Halos puno ang sinehan.

Maganda ang feedback sa pelikula kaya siguro meron pa ring nanonood kahit paano.

Ganundin sa Unforgettable, na kahit malakas itong Maleficent at ibang foreign films, kahit paano ay merong audience na puwede pang pumik-ap.

Nasilip ko ang sinehan nito, marami-rami ang nanood. Siguro, patuloy lang dapat sa pagpo-promote.

Sa October 30 ay makakatapat ng Hellcome Home ang isa pang horror na Santigwar.

Tingnan natin kung makakatulong ang pagdeklara ni Alexa Ilacad ng ‘war’ kay Nash Aguas.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Angelina Jolie as Maleficent: Mistress of Evil; Joaquin Phoenix as Joker; Carlo Aquino and Maine Mendoza in Isa Pa With Feelings; and Sarah Geronimo in Unforgettable.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results