PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hashtag Kid Yambao, saksi sa pagiging maalaga ni Ion Perez kay Vice Ganda

Hashtag Kid Yambao, naniniwalang true love ang namamagitan kina Vice Ganda at Ion Perez.
by PEP Troika
Published Oct 30, 2019
Hashtag Kid Yambao attests to Ion Perez's love for Vice Ganda: "Hindi ko nakita iyong lolokohin niya ang nanay ko."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Boto si Hashtag Kid Yambao kay Ion Perez para sa nanay-nanayan ng Hashtags na si Vice Ganda.

“Sobrang saya ko sa kanila kasi, iyon nga, umamin na sila sa wakas,” sambit ni Kid.

Nakausap namin si Kid sa mediacon ng pelikulang Two Love You nitong Oktubre 30, Miyerkules, sa Play Hub Events Place, Sct. Madriñan St., Quezon City.

“Kasi, matagal ko nang tinatanong kay Meme Vice noon na, siyempre, anak-anakan ako, ‘Ma, sino ba talaga ang tatay ko?!’ Ganoon.

“Wala siyang maisagot, e. Ayaw niyang sabihin. ‘Sa tamang panahon. Sa tamang panahon.’ Ayun.

“Iyon pala, andiyan na ang tatay namin.”

Kaibigan ni Hashtag Kid si Ion bago pa ito nakarelasyon ni Vice.

“Bago pa lang si Ion sa Miss Q&A noon, palagi siyang mag-isa. Mag-isa siya sa dressing room.

“Ako kasi, doon ako tumatambay, e. Sa mga dressing room ng mga stylist, ng mga bading! So, palagi ko siyang nakikita, ‘Oy!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako sa Hashtags ang unang kumausap kay Ion. Hanggang sa isinasama ko siya sa laro, sa basketball.”

Nasaksihan ni Hashtag Kid ang pagiging "seryoso at maalaga" ni Ion kay Vice.

"Hindi ko nakita iyong lolokohin niya ang nanay ko,” seryosong lahad ng 20-anyos na dancer-actor.

Huwag daw nating isipin na pera-pera lang ang dahilan kaya minahal ni Ion si Vice.

Saludo si Hashtag Kid kay Ion sa pag-amin nito sa relasyon sa kanyang nanay-nanay.

“I was so happy. Kasi, bihira iyong ganoon, sa generation ngayon. Sila lang,” nakangiting saad ni Hashtag Kid.

Aba! Kapag ikinasal sina Ion at Vice, siya ba ang best man?

“Naman!” bulalas ni Hashtag Kid.

Sabi raw niya kina Vice at Ion, “Magtatampo ako sa inyo pag hindi ako!”

Sa istorya ng pelikulang Two Love You, parang sina Ion at Vice ang characters nina Hashtag Kid at Lassy Marquez.

Nasa cast din ng Two Love You sina Yen Santos, Arlene Muhlach, MC Muah, at Dyosa Pockoh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Idinirek ito ni Benedict Mique at ipapalabas sa mga sinehan sa Nobyembre 13.

NOEL FERRER:

First time ba talaga ang may ganitong public na pag-amin ng relasyon tulad nina Vice Ganda at Ion Perez?

Hindi ba nauna sina Direk Wenn Deramas at DJ Durano?

Meron pa bang ibang nauna, Tito Gorgy?

GORGY RULA:

Kung hindi ako nagkamali, sa pagkaalala ko, hayagan na sinabi ng dating sexy actor na si Gil Guerrero na mahal niya ang manager at mentor niya—ang namayapa nang si Dr. Rey dela Cruz.

Sinabi niya noon sa ilang interviews na kung babae lang si Dr. Rey, pakakasalan niya ito.

Since open na sa lipunan natin ang ganitong relasyon, iyon ang hinihintay ko kay Ion—na sasabihin niyang willing siyang pakasalan si 'Meme Vice.'

Si Kid Yambao kaya ay open din sa ganitong relasyon?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hashtag Kid Yambao attests to Ion Perez's love for Vice Ganda: "Hindi ko nakita iyong lolokohin niya ang nanay ko."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results