JERRY OLEA
Nakikisimpatiya si Marissa Sanchez kay Morissette Amon. Gusto niya itong yakapin nang mahigpit.
Post ni Marissa sa Facebook nitong Nobyembre 8, Biyernes nang gabi kaugnay sa pagwo-walk out ni Morissette sa concert ng baguhang singer na si Kiel Alo noong Miyerkules sa Music Museum, “Naiiyak ako kse ramdam kita!
“But offcourse! The show must go on, i’d say the same thing to her if i see her but just bcoz she walked out makes her a bad person?
“Maarte na, malaki na ulo, unprofessional na? Wag nman! Knya knya tyong threshold!
“I just hope people realize, she is also human like any other! And just to encourage u Great Singer Neneng, u shud listen to other stories of ader performers... u’d be surprised!
“Take it from me, hangin ka pa lng... performer nko! Ur not d only one in it!
“Worst? Mas grabe pa ang dinaanan ng ibang Perfrmers... hindi mo lng din alam... never in ur wildest dreams dat u can imagine wat aders have gone thru!
“Merong binubugbog muna ng asawa o ng magulang bgo mag perform, namamatayan ng pamilya tas kinagabihan kakanta... merong ung boypren nwala tas pag sumampa hindi mo mhahalatang prblmado sya...”
Tungkol sa mga patutsada nina Tita Annabelle Rama at Tita Daisy Romualdez, ang sabi ni Marissa, “Wag mong intindihin ung 2 Malditas of Manila, ganun lng cla tlga, masasanay ka din.
“It is just their image! Ituring mo na lng na parang mga Lola mo cla na, kinagagalitan ka lng.
“Take it as a challenge para tumaas din ang threshold mo sa pain! Next tym beliv me, batak ka na sa problma.
“Hindi lng boses mo ang batak pero ang buong kabuuan mo tatatag! Sympre d naman nila lht nkikita kung gano ka nasasaktan sa kung ano man yang pinagdadaanan mong yan, na sure ako napakasakit nyan sayo!
“I feel u so strongly! Amoy na amoy kita neng, but i urge you to just let things pass & cry out all to God! Maniwala ka, lilipas din ito neng and u will rise above ds circumstance then u’d shine agen like a brand new car & sing like a Phoenix once more!”
Kabilang si Morissette sa 40+ Kapamilya Stars na magtatanghal sa ASAP Natin ‘To Rome sa Nobyembre 16, Sabado, sa Palazzo Dello Sport, Roma, Italia.
NOEL FERRER
Nakakalungkot lang na ang dapat na pagmamagandang-loob na pag-guest sana ni Morisette sa naturang concert ay maaring makasira pa sa napaka-uncanny na timing na pagpo-post ng manager niyang si Carlo Orosa ng announcement na makakasama ni Morisette ang bandang A-1 sa isang concert next year.
Imbes na maging malaking balita sana iyon ay heto ang sumambulat na balita na natakpan na ang ganoong prestige gig sana.
At sa nangyaring malungkot na insidente sa Music Museum kay Morisette, with all the press na kakampi ni Jobert, sa tingin ninyo ay magwawagi pa si Morisette sa nominations niya sa darating na PMPC Star Awards for Music? I wonder kung anong damage control moves ang gagawin ng kampo ni Morisette about this.
JERRY OLEA
Compassionate din ang tweets ni Moira de la Torre nitong Friday kaugnay sa walk out issue ni Morissette.
Pahayag ni Moira, “People who struggle w mental health understand the gravity of persevering even when its hard.
“Even when ur judged by people who have never even met you face to face, you continue to fight, understanding that behind all the hate they throw at you, is someone who needs help too.
“My prayer is that we give mental health the same importance as we do other physical sicknesses because it is as real.
“It’s not something we just make up. I don’t have answers as to why it seems to have become a global epidemic but it has been killing so many people.
“Traumas & triggers tend to cloud our judgement and the initial reaction is to run to survive bec the battle in our head becomes TOO MUCH.
“We need help. Not bashing.
“So PLS give more grace to people, struggling w/ mental health or not. Be as kind as you expect others to be to you.”
GORGY RULA
Hinihintay na lang na mag-apologize si Morissette, na sana ay gawin niya.
Madali lang magpasensya ang mga tao. Madali rin siyang unawain kung talagang may pinagdadaanan siya. Makakalimutan din iyan. Nare-refresh lang naman dahil sa social media.
Pero at the end of the day, magkakaayos din sila. Darating ang araw, magkakatrabaho pa siguro sila ni Kiel uli o kahit si Jobert Sucaldito.
May mga nagtatanggol naman kay Morissette dahil kilala nilang mabait siyang tao, at hindi yumayabang. Maaring para sa kanya ang ipinost ni Moira dela Torre sa kanyang Twitter account tungkol sa mental illness na pinagdadaanan ng ibang tao.
Sinasabi rin ni Regine Velasquez na mabait si Morissette, at baka meron lang talagang pinagdadaanan. Kanya-kanya tayong diskarte kung paano natin dalhin ang mga pinagdadaanan sa buhay. Baka hindi lang niya ma-handle nang mabuti.
Nairaos naman ang birthday concert ni Kiel. Wala tayong naririnig na nagrereklamo at hindi sila natuwa sa concert na iyun. Malambot din ang puso ni Jobert. Magkakaayos din sila.