Sanya Lopez, bet ni Nora Aunor na gumanap bilang bagong Super Gee

by PEP Troika
Nov 9, 2019
Nora Aunor says Kapuso actress Sanya Lopez (in photo) is the perfect actress to star in Super Gee remake.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Kinakabahan si Sanya Lopez tuwing kaeksena sina Nora Aunor at Phillip Salvador sa pelikulang Isa Pang Bahaghari.

Gumaganap siya bilang bunsong anak nina Ate Guy at Kuya Ipe sa naturang pelikula na idinirek ni Joel Lamangan.

“Parang sasabog na yung puso ko!” maigting na bulalas ni Sanya nang mainterbyu namin sa mediacon ng Beautederm nitong Sabado, Nobyembre 9, sa Luxent Hotel, Timog Ave., Quezon City.

Continue reading below ↓

“Kapag nagpaapekto ka kasi roon, baka hindi mo na magawa nang maayos iyong role mo.

"Kaya pinipilit kong huwag muna, isantabi ko muna kung ano ang nararamdaman ko.

“Basta, galingan ko lang kung ano iyong ginagawa ko ngayon.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Para kay Sanya, memorable ang mga mata ni Ate Guy.

“Parang yung tiningnan ka lang niya, iyon talaga... pero mabait,” nakangiting kuwento ni Sanya.

“'Tapos, memorable po sa akin iyong Miss Nora Aunor po mismo ang nagsabi sa akin na puwede akong gumanap na Super Gee.”

Si Super Gee ay superheroine noong 1972 sa Darna Komiks. Ginampanan iyon ni Ate Guy sa action fantasy movie noong 1973.

Continue reading below ↓

Pagpapatuloy ni Sanya, “Ang sabi niya sa akin, ‘Gusto ko na sana, payagan nila na ikaw ang gumanap.”

So, ayaw na niyang mag-Darna? Super-Gee na lang?

“Ha? Hindi! Kahit ano naman ang ibigay sa akin, basta superhero, tatanggapin ko. Of course, galing pa mismo kay Miss Nora Aunor, di ba?

“Sino ba ang hindi tatanggap no’n?

“Siyempre, sino ba naman ang tatanggi, di ba? Miss Nora Aunor na mismo ang nagsabi. Buong puso ko pong tatanggapin!” lahad niya.

NOEL FERRER

Ang tanong, kilala ba ni Sanya si Super Gee?

Balita ko, nagtanong pa si Sanya sa kasamahan niya kung sino ang superhero na ito. Hehehe!

Understandable, kasi ibang henerasyon naman iyun!

Pero bilang paggalang, tanggapin na lang ni Sanya ang wisdom mula sa nag-iisa nating Superstar Nora Aunor.

At markado iyun, na ka-vibes at nagustuhan ni Ate Guy si Sanya.

Masuwerte siya. Isang karangalan iyun!

GORGY RULA

Magaling nga si Sanya sa Isa Pang Bahaghari.

Continue reading below ↓

Sa totoo lang, magagaling silang lahat sa pelikulang yun.

Pero ngayon lang kasi mapapanood si Sanya na sumabak sa matinding drama sa pelikula at magagaling pa ang mga kaeksena niya.

Bukod pa riyan, napakabait ng camera sa kanya na kahit anong anggulo, maganda siya.

Pagdating sa Super Gee, alam kaya ni Ate Guy na interesado rin ang apo niyang si Janine Gutierrez na gampanan itong superheroine na pinasikat niya?

Minsan daw kasi ay nabanggit ni Janine sa Mommy Lotlot niya na type din sana niyang gumanap bilang superheroine.

Sabi raw ng mommy niya, parang malabong ibigay sa kanya ang Darna, kaya baka meron daw gustong gawin ang remake ng Super Gee ng Lola Guy niya, sana kay Janine daw ito ibigay.

Pero sino kaya kina Sanya at Janine ang swak mag-Super Gee?

Kaya lang, kilala ba nila si Super Gee? May ideya kaya sila kung ano ang powers na taglay ni Super Gee?

Continue reading below ↓

Alam ba nila na magaling mag-motor si Super Gee?

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nora Aunor says Kapuso actress Sanya Lopez (in photo) is the perfect actress to star in Super Gee remake.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results