Rita Daniela at Ken Chan, testigo sa kabaitan ni Coco Martin

by PEP Troika
Nov 10, 2019
Rita Daniela and Ken Chan share their unforgettable bonding moment with Coco Martin, who confessed to being a big fan of the Kapuso couple. Coco also insisted on him taking their groufie shot.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nakakahalubilo at nakaka-bonding nina Ken Chan at Rita Daniela ang Kapamilya stars na kapwa endorsers ng Beautederm sa mall shows at ribbon cuttings ng mga bagong sangay nito.

Sa isang Beautederm event nakasama ni Ken ang mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde. Ideya ni Ibyang (palayaw ni Sylvia) na pagtabihin sa litrato sina “Boyet” (karakter ni Ken sa teleseryeng My Special Tatay) at “Elai” (karakter ni Arjo sa teleseryeng The General’s Daughter).

Bukod kay Arjo, sino pa ba sa Kapamilya stars ang mabait kina Ken at Rita?

“Si Kuya Coco [Martin],” mabilis na sagot ni Ken nang mainterbyu namin sa mediacon ng Beautederm nitong nakaraang Sabado, Agosto 9, Luxent Hotel, Timog Ave., Quezon City.

“Sobra!” bulalas ni Rita.

Nagkita-kita sila minsan sa airport, sa NAIA. That was before nakita nila si Alex Gonzaga sa airport.

Pagpapatuloy ni Rita, “Nakakatuwa, kasi si Sir Coco, siya pa iyong una talaga na lumapit sa amin, in fairness.”

Continue reading below ↓

Pagsang-ayon ni Ken, “Kami ni Rita, nakita na namin si Kuya Coco. ‘Lalapitan ba natin?’”

“Kasi nahihiya kami!” sabay na sambit nina Ken at Rita habang nakangiti.

Paliwanag ni Ken, “Nahihiya kaming lapitan si Kuya Coco, kasi baka pagod siya. Galing taping.”

Dagdag ni Rita, “Na-meet na namin si Kuya Coco. Ang sabi pa nga ni Sir Coco, di ba, ‘Ken, pasensya na kayo, di ko kayo agad nakita.’ 'Tapos... sir! Sir! Pa-picture!”

Sey ni Ken, “Siya pa mismo ang nagsabi sa amin na idol niya kami.”

Super-request si Rita kay Coco, “Sir, pa-picture po kami!”

Ang sansala raw ni Coco, “Hindi, ako nga ang dapat pa-picture sa inyo dahil idol ko kayo!”

Walang pagsidlan ng kagalakan sina Ken at Rita sa kabaitan at pagiging mapagkumbaba ni Coco.

Ang tawag ni Coco kina Rita at Ken ay Aubrey at Boyet.

“Nakaka-overwhelm. Kasi yung team pa po niya ang nag-post ng picture namin together. Sila talaga ang nauna. So, parang... nakaka-overwhelm po yung ganoon. Masarap nakikita,” saad ni Rita.

Continue reading below ↓

“Sobrang bait ni Sir Coco,” pakli ni Ken.

Sa kabila ng naranasan nila kay Alex, hindi mag-aalangan sina Ken at Rita na lumapit at bumati sa Kapamilya stars na makikita nila sa airport.

Pahayag ni Ken, “Ang itinuro kasi sa amin... ang itinuro sa akin ni Kuya Germs [German Moreno], kahit na ibang network, batiin! Kasi iisa lang ang industriya natin. Napakaliit lang, at makakatrabaho mo ang mga ‘yan.

“So, walang dahilan para hindi natin sila pansinin, o magkanya-kanya tayo. Maganda nga, laging mag-usap-usap.

“Sabi nga namin ni Rita, magkaroon ng isang event na magsasama-sama yung network, ABS-CBN at GMA, lahat ng artista—party lang.

“Alam mo yun? It’s a Philippine industry na walang rivalry.”

GORGY RULA

Aminado sina Ken at Rita na fan na fan pa rin talaga sila.

Ayaw na lang nilang palakihin pa iyung insidente nang isnaban na nangyari sa kanila ni Alex Gonzaga.

Mas natutuwa sila na mainit ang pagtanggap sa kanila ng mas sikat pang artista na kagaya ni Coco Martin.

Continue reading below ↓

Ang isa pa sa ikinatuwa nang husto ni Ken ay noong magtapat sila ni Arjo bilang si Elai at siya naman si Boyet.

“Nakakatuwa lang na nagkita silang dalawa from different networks, na nagkita si Boyet from My Special Tatay and si Elai from The General’s Daughter.

“Nakakatuwa na nakita ng mga tao, at marami rin ang na-inspire na about doon sa ginawa namin, lalo na sa pag-promote ng autism awareness.

“Marami ang na-inspire lalo na ang mga nanay na meron silang anak na merong autism.

“Na-inspire sila dahil naipu-promote namin nang maayos… iyung autism awareness na nangyari dun sa Beautederm,” pahayag ni Ken sa media launch sa kanila kahapon nang ipinakilala silang brand ambassadors ng Beautederm.

Siyanga pala, patuloy pa rin palang namamayagpag sa ratings ang One of the Baes nina Ken at Rita.

Natatalo na nila ang katapat na The Killer Bride, di ba?

NOEL FERRER

There should be room for everybody here sa ating industriya.

Continue reading below ↓

Masaya ako sa popularidad ng tambalang Rita at Ken.

Sa tingin ninyo, hahantong ba ito sa katotohanan? O parang AlDub lang na magkakaroon ng kani-kanyang personal na buhay?

Your guess is as good as mine.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Daniela and Ken Chan share their unforgettable bonding moment with Coco Martin, who confessed to being a big fan of the Kapuso couple. Coco also insisted on him taking their groufie shot.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results