Bugoy Cariño, itinangging nakabuntis siya kaya tinanggal sa It's Showtime

by PEP Troika
Nov 10, 2019
Bugoy Cariño nanindigang hindi totoo ang balitang nakabuntis siya: "Kung meron man po, e, di sana inilabas ko na sa social media."
PHOTO/S: Jerry Olea / Bugoy Carino Instagram

GORGY RULA

Nagsalita na ang dating child actor na si Bugoy Cariño tungkol sa tsikang nakabuntis siya.

Halos magkasabay sila ni Jon Lucas na natanggal sa Hashtags ng It’s Showtime, dahil may nabuntis daw sila.

Umamin si Jon, pero si Bugoy ay nanindigang hindi totoong nakabuntis siya.

“Sakto nga po yun, e, nung nawala ako sa Showtime, saka wala na po akong ginagawa sa ABS, yun, hindi ko po talaga alam,” pahayag ng 17-anyos na si Bugoy sa mediacon nitong Nobyembre 9, Sabado, para sa November 22 concert ni Jiro Custodio sa Cuneta Astrodome.

Merong naglabasan sa social media na meron siyang kasamang baby. Ano ang masasabi niya rito?

“Nakikita ko kasi sa mga pictures na ginagawa nila, sa YouTube, may mga video, natatawa lang po ako kasi hindi po talaga. Hindi ko po baby yun.

“Bakit ko naman po idi-deny?

“Kung meron man po, e, di sana inilabas ko na sa social media.

Continue reading below ↓

"Yung girlfriend ko po, nilalabas ko po sa social media," pahayag ni Bugoy.

Inamin ni Bugoy na tuloy pa rin ang relasyon nila ng girlfriend niyang volleyball player ng UST.

Hindi lang maipaliwanag ni Bugoy kung bakit siya tinanggal sa It’s Showtime.

“Hindi naman po sa dinamdam. Meron lang po siguro konting sama ng loob lang ako… kasi, gusto ko talaga sumayaw.

“Nami-miss ko talaga yung bonding talaga namin kami ng mga Hashtags. Saka na-miss ko po talaga ang umarte,” pahayag ng dating child actor.

Gusto na raw sana niyang bumalik sa pag-aartista.

Kung hindi man daw siya kukunin ng ABS-CBN, puwede raw siya sa GMA-7.

NOEL FERRER

Bugoy Cariño will always look like a kid to me, kaya noong may kumalat na balitang ganyan, parang “Batang Ama” at “Tatay Na Si Totoy” ang drama.

Kahit ang pagsama niya sa Hashtags noon, parang saling-pusa siya dahil nakilala siya bilang bata.

Continue reading below ↓

Pero ngayon, sana ay maipagpatuloy ni Bugoy ang kanyang showbiz career dahil bata pa lang iyan, hindi lang siya nakakasayaw, nakakaarte rin siya!

Nandito lang tayo na nag-aabang ng next good project para kay Bugoy.

JERRY OLEA

Kapuso na si Jon Lucas. Lumabas siya sa isang episode ng Magpakailanman kasama sina Sanya Lopez at Nar Cabico.

Tampok din si Jon sa Pinoy version ng Descendants of the Sun na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Bida si Bugoy sa indie movie na Sa Mga Sulok Ng Pangarap, na idinirek ng katotong Ronald Rafer.

Co-stars dito ni Bugoy sina Izzy Canillo, Belle Mariano, Micko Laurente & Ynigo Delen, at introducing si Justin Alva.

Ang nasabing pelikula ay tumatalakay sa kahalagahan ng edukasyon.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bugoy Cariño nanindigang hindi totoo ang balitang nakabuntis siya: "Kung meron man po, e, di sana inilabas ko na sa social media."
PHOTO/S: Jerry Olea / Bugoy Carino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results