GORGY RULA: Si Pauline Mendoza ang isa sa mga BFF ni Bianca Umali sa GMA-7.
Natutuwa si Pauline nang magkita sila ni Bianca, kasama si Ruru Madrid, sa Havana Nights GMA Thanksgiving Party noong Huwebes, November 7 sa Marco Polo, Forbes Park.
Tingin ni Pauline, okay ang kaibigan niya, pero ayaw na niyang mag-comment tungkol sa nangyari sa premiere night ng pelikulang Cara X Jagger noong Martes, November 5, sa SM Megamall.
“Wala naman po siguro. Baka nagkaroon lang po ng di pagkakaintindihan,” safe na sagot ni Pauline sa mediacon ng Beautederm nitong Sabado, November 9, sa Luxent Hotel, Timog Ave., QC.
Safe din ang sagot ni Pauline nang sinundan namin ng tanong kung tingin ba niya, masaya si Bianca ngayong in love ito.
“Happy naman po siya, e. Kahit siguro hindi siya in love, happy lang siya.
“Ang advice ko lang po sa kanya, kung ano ang sinisigaw ng puso niya, kung saan siya masaya, doon po siya. Buhay naman niya yun,” pahayag ni Pauline.
Samantala, nakiusap na rin ang kampo ni Ruru na tapusin na raw sana iyung usapin sa SM Megamall.
Gusto na raw sana ni Ruru na mag-move on na sa isyung iyun.
Sana tapusin na raw ito, dahil ayaw na ring magsalita ni Ruru tungkol dito.
Kung may nabanggit man siya sa nakaraang interview na walang ganoong insidente, maaring nalito lang daw ito sa dapat niyang sabihin dahil gusto na niyang tuldukan ang isyung iyun.
NOEL FERRER: Beyond the intriga, mahal ko pa rin si Ruru Madrid and I think he’s one of the best young Kapuso actors, and he deserves better films in the future.
As for Bianca, I have always believed in her, and I’m excited that one of my major artists will be working with her soon for a prestigious international project.
So as I always maintain, the best weapon, is always (not answering controversies) excellent work!!!
JERRY OLEA: Nasagasaan ang pelikulang Cara X Jagger sa insidente sa SM Megamall.
Lumagaslas ang luha ng katotong Joe Barrameda sa awa kay Ruru, pero ang sabi nga ni Ruru, walang ganoong insidente.
Bago masagasaan ang kung anu-ano pang isyu, usapin, o korona ng Denial King, mabuting manahimik na lang si Ruru.
Siyanga pala, ang 2014 movie ni Ruru with Pepe Smith na Above The Clouds ay isa sa 15 pelikulang tampok sa Cinema das Filipinas – Nos Cem Anos do Cinema Filipino (Philippine Cinema – In the Hundred Years of Filipino Cinema) mula Nobyembre 8 hanggang Nobyembre 30 sa Cinemateca Portuguesa-Museu do Cinema sa Lisbon, Portugal.
Tampok sa poster ng PH Cinema Retrospective na ito ang still photo ng isang eksena ni Ruru sa Above The Clouds.
Naka-display ang mukha ni Ruru sa Cinemateca Portuguesa sa Lisbon!
Ang Embahada ng Pilipinas sa Portugal ay pinamumunuan ni Ambassador Celia Anna “Cookie” Feria.
Katuwang sa proyektong ito ang Film Development Council of the Philippines (FDCP).