PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Manny Pacquiao, nagsimula nang mag-shooting para sa General Malvar biopic

Manny Pacquiao, balik sa pag-arte sa biopic ng Philippine revolution general na si Miguel Malvar.
by PEP Troika
Published Nov 13, 2019
Manny Pacquiao, balik sa pag-arte sa biopic ng Philippine revolution general na si Miguel Malvar.
PHOTO/S: @mannypacquiao Instagram

JERRY OLEA

Naka-two shooting days na ang pelikulang General Malvar na pinagbibidahan ni Senador Manny Pacquiao.

Ang Filipino general na si Miguel Malvar (September 27, 1865 – October 13, 1911) ay nanungkulan noong panahon ng Philippine Revolution.

Si Jose "Kaka" Balagtas ang direktor ng proyekto.

Nag-shoot sila ng isang araw sa Kamaynilaan. Karamihan ng location ay sa Batangas at Cavite.

Pasingit-singit lang ang shooting dahil abala si PacMan sa budget hearing sa Senado, at pinaghahandaan niya ang next boxing fight niya sa first quarter ng 2020.

Dapat tapusin ang shooting ng movie bago magsimula ang two-month training ni Pacquiao sa susunod niyang laban.

Sino ang susunod na makakabakbakan ng Pambansang Kamao?

"Nagma-matchmaking pa ang mga taga-Las Vegas," pahayag ng business manager ni PacMan na si Arnold L. Vegafria (ALV) nitong Nobyembre 13, Miyerkules, sa Nanka restaurant, Roces Avenue corner Mother Ignacia Street, Quezon City.

May leading lady ba si Pacquiao sa General Malvar biopic?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Meron pero namimili pa. Iyong mga gaganap na general, ang iba raw, nag-confirm na," sambit ni ALV.

"Madugo. Magastos yung movie. Epic kasi. It takes a lot of budget.

"Maganda iyong team ni Direk Kaka. In fairness to Direk Kaka and the producers..."

May acting coach daw na nasa set para gabayan si Pacquiao sa kanyang pag-arte.

Sabi pa ni ALV, "Ayon sa producers, sa abroad muna ire-release ang movie bago sa Philippines."

NOEL FERRER

Wow, good luck!

I hope it will be a faithful and excellent biopic that would be a source of national pride.

Sana. Good luck!

GORGY RULA

Sana, naayos na nila ang isyu sa descendants ni General Malvar.

Maganda rin sana kung mailahad nila nang mabuti ang totoong pagkatao ni General Malvar, kasi hindi ako ganoon ka-familiar sa kuwento ng buhay niya.

Pero ipagpaumanhin po ninyo... Hindi pa kasi ako ganoon ka-convinced na magiging katulad ito ng mga nagawa ni Direk Jerrold Tarog na Heneral Luna at Goyo: Ang Batang Heneral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit simple lang, basta maayos lang ang pagkalatag ng kuwento at maging maingat sila sa production design.

Curious lang ako kung ano ang partisipasyon dito ni Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin.

Isa kaya siya sa producers, o may role ba siyang gagampanan, o kakanta ng theme song?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manny Pacquiao, balik sa pag-arte sa biopic ng Philippine revolution general na si Miguel Malvar.
PHOTO/S: @mannypacquiao Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results