Nora Aunor, may gagawing teleserye muli sa GMA Network

by PEP Troika
Nov 14, 2019
Bagong teleserye ni Nora Aunor, hango sa isang pelikula niya noon na pinagtambalan nila ni Tirso Cuz III.

GORGY RULA

Pagkatapos ng Onanay, muling gagawa ng drama series si Nora Aunor sa GMA-7.

Nangako akong huwag munang ikuwento tungkol saan ang gagawin niyang teleserye, pero hango ito sa isa sa mga nag-hit niyang pelikula kasama si Tirso Cruz III.

Pero hindi si Pipo ang kasama niya rito kundi ang ilang cast members na nakasama niya sa pelikulang iyon.

Ang dinig kong makakasama pa niya rito ay si Kyline Alcantara.

Ibibigay naman sa PEP Troika ang mga detalye ng proyektong ito sa kanilang story conference next week, kaya abangan niyo.

JERRY OLEA

Gusto pa rin ni Madam Baby Go ng BG Films na iprodyus ang pelikulang Sixty in the City na bida sina Nora, Charo Santos, at Coney Reyes kahit kinamatayan na ito ni Direk Mel Chionglo.

If ever, ang magdidirek nito ay si Joel Lamangan na kaibigan ni Direk Mel. Mula iyon sa panulat ni Lualhati Bautista.

Next year pa ipalalabas ang movie ni Nora na Isa Pang Bahaghari kung saan co-stars niya sina Phillip Salvador, Michael de Mesa, Zanjoe Marudo, Joseph Marco, at Sanya Lopez.

Continue reading below ↓

Si Direk Joel din ang nagdirek nito para sa Heaven’s Best. Mula naman ito sa panulat ni Eric Ramos.

NOEL FERRER

Sana nga, matuloy na iyang project na iyan with Lualhati Bautista.

Sana rin, matuloy na ang proyektong ididirek din ni Ate Guy.

Sana, marami pa siyang project na gawin— definitive projects na magsi-seal sa kanyang pagiging National Artist!!!

At heto pa, sana ay magawa pa niya ang pinaplanong sequel ng landmark film niyang Himala, sa panulat ng isa pang taong deserving maging National Artist na si Ricky Lee!

Ipagdarasal ko iyan!!!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagong teleserye ni Nora Aunor, hango sa isang pelikula niya noon na pinagtambalan nila ni Tirso Cuz III.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results