Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Sunshine Cruz, suportado ang stepson na si Diego Loyzaga

by PEP Troika
Nov 15, 2019
Sunshine Cruz on stepson Diego Loyzaga: "Kung ano man yung balak at plano niya sa buhay, nandito lang kami bilang Tita Shine at mga kapatid niya na mahal na mahal siya."
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Magbabalik-showbiz na ba si Diego Loyzaga?

Mukhang okay na siya, at halos araw-araw ay pumupunta si Diego kina Sunshine Cruz para maki-bonding sa half-sisters.

“He visits my kids,” nakangiting pahayag ni Sunshine sa mediacon ng pelikulang The Heiress nitong November 14, Huwebes, sa 38 Valencia Events Place, Quezon City,

“May time na almost every day, nandoon siya sa house with my children.

"But of course, I respect their privacy. Ayaw nilang ilabas yung photos, yung bonding ng mga kids.

“Natuwa nga ako, meron siyang kasama, si Tong [Teresa Loyzaga]… napakabait na bata. Mahal na mahal ng mga anak ko si Diego.”

Hindi alam ni Sunshine kung babalik na sa pag-aartista si Diego, pero lalo raw itong gumuwapo.

Kung ano man ang plano ni Diego, gusto lang niyang iparating na all-out ang suporta nilang lahat.

Totoo kayang magiging Kapuso na si Diego?

“Kung ano man yung balak at plano niya sa buhay, nandito lang kami bilang Tita Shine at mga kapatid niya na mahal na mahal siya.

Continue reading below ↓

“Nandito lang kami to support him, lagi naman yun,” sabi pa ni Sunshine.

Okay na okay na ba si Diego? Kumusta na siya?

“Ever since naman, mabait, e. Kaya naintindihan ko naman siya,” pakli ni Sunshine.

NOEL FERRER

OK na si Diego saan? Ano ba talaga ang pinagdaanan niya?

May depression bang naganap? Sa anong kadahilanan ba talaga?

Sana nga, work will serve as a good therapy para kay Diego.

At sana, na-sort out na niya ang kailangan niyang ayusin sa buhay niya.

Ang mga ganitong isyu ay dapat binibigyan ng propesyunal na paggabay.

JERRY OLEA

Pogilicious yummylicious si Diego sa recent photos niya na na-post sa socmed.

Huwag natin siyang madaliin na magbalik sa pag-aartista. Hayaan nating maka-recover siya nang ganap sa pinagdaanan niya.

Dalangin natin na masumpungan niya ang dapat niyang kalugaran, sa loob man o labas ng showbiz.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz on stepson Diego Loyzaga: "Kung ano man yung balak at plano niya sa buhay, nandito lang kami bilang Tita Shine at mga kapatid niya na mahal na mahal siya."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results