Vina Morales, ayaw pag-usapan ang kaso nila ni Cedric Lee

by PEP Troika
Nov 16, 2019
Vina Morales: Vina Morales: "Ayoko siyang pag-usapan. Wala naman akong kinatatakutan ngayon."
PHOTO/S: Rose Garcia

GORGY RULA

Maingat ang mga sagot ni Vina Morales nang tinanong ng PEP Troika tungkol sa mga kasong isinampa laban sa kanya ni Cedric Lee, ang ama ng kanyang anak.

As much as possible, mas mabuting huwag na lang daw pag-usapan ang tungkol kay Cedric dahil ongoing pa ang kaso at umaasa siyang papanig sa kanya ang hustisya.

“It’s still ongoing. So, we’re hoping na nasa side namin ang hustisya, which is nangyayari naman 'yan unti-unti,” sabi ni Vina sa mediacon ng musical drama na Damaso nitong November 15, Biyernes, sa 55 Events Place, Sct. Rallos St., Quezon City.

“Marami namang na-dismiss na cases and we’re thankful to that, and thankful ako kay Atty. Lucille Sering for always being there to support us.”

Hindi na niya sinagot ang ilang mga tanong ko tungkol sa sitwasyon ng kanyang anak sa ama nito, dahil matagal na rin daw ang isyu nila at ngayon ay masaya na silang mag-ina.

Continue reading below ↓

“Ayoko siyang pag-usapan. Wala naman akong kinatatakutan ngayon.

"Kasi, alam ko namang wala akong inaagrabyadong tao.

“So for me, ano lang ako pagdating sa situation sa buhay ko.

“We’re okay when it comes to my life, my situation. My daughter is very okay,” pahayag ni Vina.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ginagampanan ni Vina sa pelikulang Damaso ang role ni Sisa.

Naiyak daw siya nang ini-record ang ilang awiting kinanta niya sa naturang pelikula.

Sa November 20 na mapapanood ang Damaso na isinulat at dinirek ni Joven Tan, na siya ring nagdirek ng Petmalu, Wander Bra, Otlum, Pansamantagal, And Ai Thank You, at Santigwar.

JERRY OLEA

Ligwak man sa 45th MMFF ang Damaso ay nakakuha agad ito ng playdate.

Makikipagsalpukan ang musical film sa Adan na titibu-tibo, at sa kapana-panabik na Frozen 2.

Nakaka-Sisa ang dami ng artista sa Damaso na pinagbibidahan ni Arnell Ignacio, huh?!

Ano man ang kahinatnan ng Damaso sa takilya, tuloy ang acting career ni Vina.

Continue reading below ↓

Ang mahusay at mapagkakatiwalaang artista na gaya niya ay hindi mauubusan ng offer.

NOEL FERRER

Inialok sa alaga kong si Joanna Ampil ang role na Sisa, ngunit hindi umubra ang sked dahil sa iWant digital series na Call Me Tita na may Part 2.

'Tapos, may CATS The Musicale pa si Joanna na ongoing sa The Theater @ Solaire.

Buti naman, kay Vina napunta ang landmark role.

Sana mas marami pang pagkakataong masubukan ni Vina ang movie or TV musicales. Ang Damaso pa lang sana ang simula.

At si Arnelli, para ipakita niya ang kanyang bumbunan sa pelikulang ito, it must be really special!

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vina Morales: Vina Morales: "Ayoko siyang pag-usapan. Wala naman akong kinatatakutan ngayon."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results