Aicelle Santos, inaming ang "sarap-sarap" ng mister niyang si Mark Zambrano

by PEP Troika
Nov 17, 2019
Naganap ang pag-iisang dibdib nina Aicelle Santos at Mark Zambrano sa El Jardin De Zaida, Sitio Lagkit, Brgy. Abung, San Juan, Batangas, nitong Nobyembre 16, Sabado ng hapon.
PHOTO/S: Nice Print Photo Instagram

NOEL FERRER

At naganap na ang pag-iisang dibdib nina Mark Zambrano at Aicelle Santos sa El Jardin De Zaida, Sitio Lagkit, Brgy. Abung, San Juan, Batangas nitong Nobyembre 16, Sabado ng hapon.

Dahil naka-sked na prior ang aking Japan trip, nagpasabi ako na di makakapunta.

From the looks of those who attended, maganda ang seremonya with mostly the Stages family present.

Sayang at nataon sa ASAP in Rome ang kasal nila. Alam kong may artists doon na imbitado rin sa wedding, pero naiintindihan naman ng bagong mag-asawa.

Mabuhay ang bagong kasal!

JERRY OLEA

Nagkalayo ang magsing-irog nang mag-Miss Saigon si Aicelle.

Naghintay si Mark, at hindi hadlang ang kanilang pagkakalayo para manatili ang init ng kanilang pagmamahalan.

Pinagtibay ng pagsubok ang kanilang pag-ibig, kaya nakikiisa tayo sa pagbati sa kanila.

Humayo kayo at magparami, Mark at Aicelle!

GORGY RULA

Ang saya nga ng bridal shower episode para kay Aicelle sa Studio 7 noong nakaraang November 9, Sabado.

Continue reading below ↓

Si Paolo Contis ang nag-host sa Question and Answer portion kay Aicelle na medyo naughty ang mga tanong.

Game na game naman niyang sinagot, at diretsahan niyang sinabing ang sarap-sarap ni Mark.

Hangad natin ang kaligayahan nilang mag-asawa at abangan natin ang bunga ng kanilang pagmamahalan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naganap ang pag-iisang dibdib nina Aicelle Santos at Mark Zambrano sa El Jardin De Zaida, Sitio Lagkit, Brgy. Abung, San Juan, Batangas, nitong Nobyembre 16, Sabado ng hapon.
PHOTO/S: Nice Print Photo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results