Ejay Falcon, hindi pressured na mag-propose kay Jana Roxas

by PEP Troika
Nov 17, 2019
Ejay Falcon doesn't want to jump in on the wedding proposal bandwagon, even if he sees most of his friends getting engaged or tying the knot.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Kararating lang ni Ejay Falcon galing sa ilang araw na bakasyon sa Japan nang nakatsikahan ng PEP Troika sa mediacon ng musical film na Damaso nitong nakaraang Biyernes, Nobyembre 15, sa 55 Events Place, Sct. Rallos St., Quezon City.

Sabi ni Ejay, isa sa bonding nila ng kasintahan niyang dating taga-StarStruck na si Jana Roxas ay ang magbiyahe sa ibang bansa.

Japan yata ang pinaka-type nila dahil nag-Osaka sila noong nakaraang buwan, at itong huli nilang bakasyon ay sa Tokyo naman.

“Napakaimportante nito sa akin. Sabi ko nga, ito na lang ang magiging bisyo natin.

“Ang sarap talaga pag nagta-travel lalo na kasama ko rin ang family ko.

"Lalo mong nakilala ang isang tao na everyday mo nakakasama,” pahayag ng Kapamilya actor.

So far, ini-enjoy muna nila ang ganoong level ng kanilang relasyon, at wala pa raw siyang planong mag-propose kahit minsan ay napapag-usapan na nila ang wedding plans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit may ilang kaibigan at nababalitaan niyang nagpu-propose na, ayaw pa raw muna niyang makiuso.

“Napapag-usapan naman po yun. Pero sabi ko nga, wala muna ngayon.

"Sobrang busy pa, at ayoko namang makikiuso kapag nakikita kong nag-propose si ganito, ganyan. Hindi ako napi-pressure.

“Parang ang proposal, para sa akin, sa isang babae at isang lalaki, moment iyun sa buhay na kailangang maramdaman mo na ito na iyung time na kailangan mong gawin, hindi dahil sa napi-pressure ka lang.

“Pero siyempre, nandiyan naman sa isip ko na doon pa rin ako sa pag-aasawa,” sabi pa ni Ejay, na gumaganap bilang Elias sa pelikulang Damaso, sa direksiyon ni Joven Tan na nagdirek din ng Petmalu, Wander Bra, Otlum, Pansamantagal, And Ai Thank You, at Santigwar.

JERRY OLEA

Hindi nape-pressure si Ejay na mag-propose kay Jana.

Inurirat na iyan sa mediacon noon ng Beautederm at Sandugo, pero relaxed lang ang aktor.

Sa lahat ng babaeng na-link kay Ejay, kay Jana siya talaga nagseryoso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Di ba, Benjie Alipio?

NOEL FERRER

Musical movie ang Damaso. Humanda ang fans... kakanta si Ejay!

Sa tingin ninyo, nakakatulong ba sa career ni Ejay ang relasyon nila ni Jana?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ejay Falcon doesn't want to jump in on the wedding proposal bandwagon, even if he sees most of his friends getting engaged or tying the knot.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results