PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Martin Nievera, binatikos ni Jobert Sucaldito dahil sa pakikisimpatiya kay Morissette Amon

Martin Nievera, tinu-tolerate nga ba ang ginawang pagwu-walkout ni Morissette Amon?
by PEP Troika
Published Nov 18, 2019
Jobert Sucaldito on Martin Nievera's (left) statement about Morissette Amon's (right) wakout issue: "Nakakawalang-respeto naman ang mga artists na katulad nito — kung sino pa yung inaasahan mong magtutuwid ng daan ng mga suwail na artists ay sila pa itong nagtu-tolerate ng mga kahunghangan nila."
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Nasaktan si Jobert Sucaldito sa insights ni Martin Nievera kaugnay sa pagwo-walk out ni Morissette Amon sa Music Museum concert ni Kiel Alo noong Nobyembre 6.

Si Jobert ang manager ni Kiel, at siya rin ang producer ng birthday concert nito.

Paniniwala ni Martin, parehong may pagkakamali sina Morissette at Jobert sa nangyari.

Himutok ni Jobert sa Facebook nitong Nobyembre 18, Lunes ng hapon, “Hindi ko lubos-maisip na ganoon lang pala kakitid ang utak nito sa pagsawsaw sa isyu namin gayong wala naman siya sa lugar na pinangyarihan.

“Nakakawalang-respeto naman ang mga artists na katulad nito — kung sino pa yung inaasahan mong magtutuwid ng daan ng mga suwail na artists ay sila pa itong nagtu-tolerate ng mga kahunghangan nila.

“Very sad, Martin. You are slowly losing our respect...”

Pagdidiin pa ni Jobert, “Hindi ko sinasabing you have to side with me — ilagay lang natin sa tama ang mga bagay-bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kailan ba naging tama ang mali, Martin? Sorry, ha — Tagalog ito at baka hindi mo maintindihan.

“Bayad ka na lang ng interpreter, tutal mayaman ka naman, eh.”

NOEL FERRER

Bakit damay-damay na? Akala ko, nagkapatawaran na?

GORGY RULA

Nag-apologize na si Morissette. Tinanggap ni Jobert ang apology na yun. Kaya nasa moving-on stage na siguro tayo.

Hindi natin kontrolado ang nasa isip ng mga tao. Hindi lahat ay umaayon sa panig nina Jobert at Kiel. Kaya tanggapin na lang siguro.

Maging mahinahon na lang siguro si Jobert at tanggapin na lang kung na kay Morissette ang simpatiya ni Martin.

Ang mahalaga, nairaos na ang concert na yun at dapat mag-focus na sa susunod na concert ni Kiel.

Sabi ng mga nakapanood, puwedeng-puwede na raw isalang si Kiel sa malakihang concert.

Kaya siguro, abangan na lang natin ang susunod na concert ni Kiel na hindi dapat ipag-walkout.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jobert Sucaldito on Martin Nievera's (left) statement about Morissette Amon's (right) wakout issue: "Nakakawalang-respeto naman ang mga artists na katulad nito — kung sino pa yung inaasahan mong magtutuwid ng daan ng mga suwail na artists ay sila pa itong nagtu-tolerate ng mga kahunghangan nila."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results