Rita Daniela, itinangging nagpi-prima donna siya sa set ng One of the Baes

by PEP Troika
Nov 25, 2019
Rita Daniela (shown with co-star Ken Chan) quashes rumors that she's been acting like a prima donna on the set of GMA-7's top-rating teleserye, One of the Baes: “Kahit po tanungin pa po ninyo iyong prod. Wala hong ganoong nangyayari sa amin."
PHOTO/S: Gorgy Rula

JERRY OLEA

Nagtataka si Rita Daniela kung saan nanggagaling ang mga intrigang nagpi-prima donna siya sa set ng teledramang One of the Baes kaya kinaiinisan siya ng production staff.

“Sobrang OK po kami ng prod,” malumanay na pahayag ni Rita nang mainterbyu namin sa birthday party ng Beautederm CEO na si Ms. Rhea A. Tan nitong nakaraang Sabado, Nobyembre 23, sa Royce Hotel, Clark Freeport, Pampanga.

“Kahit po tanungin pa po ninyo iyong prod. Wala hong ganoong nangyayari sa amin.

“Kaya nga po nakakatuwa, kasi hindi lang po dahil sa nagre-rate iyong show namin, kundi dahil ho sa loob, pamilya ang samahan namin.

“Kaya nagulat din po ako sa lumabas na iyon na article.

"Pero naiintindihan ko naman po. Siguro po, sa bawat tagumpay ng isang tao, kapag may napo-promote, meron din siyempre... kasama iyon, e!

“So, may mga ganoon po.

"Pero hindi ko naman po iyon ikinakasama ng loob. Kasi nandito po ako sa mundo na iyon, which is showbiz po. Kasama po iyon.”

Continue reading below ↓

Sa primetime shows ng GMA-7, itong One of the Baes ang kumakabog sa katapat na Kapamilya teleserye, base sa ratings ng NUTAM/AGB Nielsen.

At any rate, masigabo ang palakpakan kina Rita at Ken Chan nang mag-perform sila sa Rhea Royale, ang birthday celebration ni Ms. Rhea Tan, kaalinsabay ang 10th anniversary ng Beautederm na this week ay aabot na sa 100 ang mga sangay.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Continue reading below ↓

Star na star na talaga ang dating nina Ken at Rita!

GORGY RULA

Ipinagtanggol si Rita ng leading man niyang si Ken Chan.

“Kilala ko po kasi si Rita. Siguro, nami-misinterpret po siya ng mga tao.

"And alam ko na hindi niya magagawa iyung mga ganung bagay.

“Sabi ko nga sa kanya, 'Kung may pagkakataon man akong ma-interview tulad nito, ipagtatanggol kita, dahil alam kong hindi ikaw yun,'” pahayag ni Ken, na kasabay ni Rita na dumating sa event ng Beautederm nung Saturday night sa Royce Hotel, Clark Field.

Ilang co-stars din nila ang nagsasabing baka na-misinterpret lang si Rita lalo na kapag pagod ito.

Pero sabi nga ni Rita, hindi niya puwedeng itago ang nararamdaman niya.

Kung pagod siya o irita sa isang tao, nakikita ito sa kanya at hindi niya kayang magkunwari.

“Aminado po ako na totoo po kasi talaga akong tao. At ipinapakita ko po kapag pagod po ako, hindi ko po itinatago.

Continue reading below ↓

“Pero kapag masaya po ako, ipinapakita ko po.

“Naniniwala po ako na kapag masyado kang totoo, madalas po misunderstood po, e,” sabi pa ni Rita.

NOEL FERRER

Ay, talaga?! Si Rita ba yun? Wala siya sa hinagap ko talaga!

Pero si Ken, pansin na pansin ang energy niya, hindi lang sa One of the Baes, kundi sa The Clash, na level-Regine Velasquez daw sa pagka-hyper!

Bongga, ha!!!

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Daniela (shown with co-star Ken Chan) quashes rumors that she's been acting like a prima donna on the set of GMA-7's top-rating teleserye, One of the Baes: “Kahit po tanungin pa po ninyo iyong prod. Wala hong ganoong nangyayari sa amin."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results