Local movies, dehado sa lakas ng Frozen 2 sa takilya?

by PEP Troika
Nov 24, 2019
Will the new batch of local movies opening this coming week stand a chance against the current box-office blockbuster Frozen 2? Photo shows posters from forthcoming Pinoy flicks Unbreakable (left) and The Heiress (right).
PHOTO/S: Star Cinema / Regal Films

JERRY OLEA: Mapangahas ang local films na Adan at Damaso na nakipagsalpukan sa Frozen 2 noong nakaraang Miyerkules, Nobyembre 20, sa mga sinehan.

Ayon sa source ng PEP Troika, ang first day gross ng lesbian movie nina Rhen Escaño at Cindy Moranda ay humigit-kumulang P200,000.

Ang musical film ni Arnelli Ignacio ay tinatayang humamig ng P250,000 noong Wednesday.

Ang Frozen 2, naka-P25M.

Bonggang-bongga ang word of mouth sa Frozen sequel. Marami ang nagsasabing mas maganda ito sa naunang Frozen, ang pinakamalakas na pelikula sa buong mundo noong 2013.

Nito lamang Sabado, Nobyembre 23, ang pampamilyang pelikula na Frozen 2 ay naka-P113M na.

Makaapekto kaya ang Frozen 2 sa Pinoy films na Unbreakable, The Heiress at The Kings of Reality Shows na itatanghal sa mga sinehan mula Miyerkules, Nobyembre 27?

GORGY RULA: Tantiya ng source namin, baka maka-P300M itong Frozen 2 sa first 5 days (Miyerkules hanggang ngayong Linggo) sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

OA sa lakas iyun, kaya naman frozen sa takilya ang kasabay na Adan at Damaso.

Ang sabi ni Arnelli, alam nila na malakas na talaga itong Frozen 2 at tiyak na lalo pang madagdagan ng sinehan.

Kaya sana raw, inuna na muna ang Damaso bago mag-Frozen ang mga manonood.

Ang isa pang nabalitaan ko, nakapag-ipon daw ang bida ng Adan na si Cindy Miranda ng P300,000 para sa block screenings ng Adan.

Hindi ko lang sure kung may sinehan na siyang magagamit.

Dahil sa lakas nitong Frozen 2, tiyak na marami pa rin itong mga sinehan hanggang next week.

Sana hindi maapektuhan ang mga bagong ipalalabas.

Sa Martes, November 26, gaganapin sa SM Megamall ang premiere night ng The Heiress nina Maricel Soriano at Janella Salvador.

Mukhang nakakatakot ang pelikula base sa trailer na napanood ko. Kaya aabangan ko iyan.

Talagang tatak-Star Cinema ang Unbreakable nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Richard Gutierrez.

Continue reading below ↓

Madalas, patok ito sa mga manonood.

Pasensya na po. Wala talaga akong nararamdaman sa Kings of Reality Shows dahil hindi kina Ariel at Maverick ang title na iyun.

NOEL FERRER: Good luck sa The Heiress, Unbreakable at Kings of Reality Shows.

Laging sinasabi na mahal na ang presyo ng sine ngayon. Kaya dapat, karapat-dapat sa atensyon ng tao ang gagastusan nila sa takilya.

Baka nga mas pinag-uusapan pa ngayon ang pagkaka-fire sa nagtatrabaho nang mabuti na Drug Czar na si VP Leni kaysa sa pumapalpak na pangangasiwa ng SEA Games 2019.

Is it a case of reality as more entertaining than our movies?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will the new batch of local movies opening this coming week stand a chance against the current box-office blockbuster Frozen 2? Photo shows posters from forthcoming Pinoy flicks Unbreakable (left) and The Heiress (right).
PHOTO/S: Star Cinema / Regal Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results