Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Joem Bascon at Meryll Soriano, nagkabalikan na?

by PEP Troika
Nov 23, 2019
Has Joem Bascon reconciled with former love Meryll Soriano?
PHOTO/S: Credit: @basconetti / @planetumeboshi Instagram

NOEL FERRER: Sumagot si Crisha Uy sa isang nagtanong sa kanyang social media post kung bakit wala na silang post ni Joem Bascon.

In so many words, nilinaw niyang wala na sila.

At nakumpirma ito ng kaibigan ni Crisha na vlogger din na si Yam Mercado na kasama rin ni Joem sa mga pelikulang Utopia at Culion.

Pinapauna na ng kaibigan ni Joem na nagkakalabuan na sina Crisha at Joem noon pa man, at labas si Meryll Soriano doon.

Dahil bago pa man magka-Culion, nagkasama na sa ilang acting assignments sina Joem at Meryll, at may respeto sila sa kani-kanyang karelasyon.

Pero ako, dahil “nakakahawa ang pag-ibig,” nakita ko kung gaano kamahal nina Joem at Meryll ang isa’t isa noong sila pa.

Sorry, Crisha, ha, pero isa ako sa mga nananalangin na magkabalikan sila.

Dahil sila iyung couple na wala talagang pinag-awayan at grabe ang tindi ng pagmamahalan, ayaw lang talaga nilang bunuin ang isang napakahirap na “long-distance relationship” nang umalis si Meryll para mag-aral sa London.

Continue reading below ↓

Sa huli’t huli, ang mamamayani ay ang tunay na pag-ibig!

GORGY RULA: Wala naman sigurong kinalaman si Meryll Soriano.

Sinasabi ni Joem na walang balikang nangyari.

At least, may magagamit na isyu sa promo ng pang-MMFF na Culion at Write About Love.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

JERRY OLEA: Noon pa natin naulinigan na nagkabalikan na sina Joem at Meryll.

Lalabas at lalabas din ang totoo, sa tamang pagkakataon.

Mananaig ang pag-ibig na tunay!

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Has Joem Bascon reconciled with former love Meryll Soriano?
PHOTO/S: Credit: @basconetti / @planetumeboshi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results