Sylvia Sanchez, handa na bang ma-meet ang pamilya ni Maine Mendoza?

by PEP Troika
Nov 25, 2019
Sylvia Sanchez, natutuwa sa effort ng magkasintahang Arjo Atayde at Maine Mendoza na magkaroon ng bonding time kasama ang pamilya Atayde at ganoon din sa pamilya Mendoza.
PHOTO/S: Gorgy Rula / @MEI9473 Instagram

JERRY OLEA:

Magaan agad ang loob ni Sylvia Sanchez kay Maine Mendoza nang isama ni Arjo Atayde ang Kapuso star sa kanilang tahanan three or four months ago.

“Hindi siya iyong Maine Mendoza, iyon ang gusto ko sa kanya! Hindi siya ganoon,” nakangiting sambit ni Sylvia hinggil sa girlfriend ng anak niyang si Arjo.

Nainterbyu namin ang beteranang aktres sa birthday celebration ng Beautederm CEO na si Ms. Rhea A. Tan nitong Nobyembre 23, Sabado, sa Royce Hotel, Clark Field, Pampanga.

“Noong dumating si Maine sa bahay ko, ipinakilala ni Arjo, never kong naramdaman na ‘Maine Mendoza ako! Sikat ako!’"

Nicomaine ang tunay na pangalan ni Maine sa totoong buhay.

“Umakyat siya as Nicomaine na walang yabang, napakabait na bata, napakamagalang. In fact, nahihiya nga.

“Iyon ang gusto ko sa kanya!”

Pagkatapos niyon ay gustong maka-dinner ni Maine ang buong pamilya ni Arjo, ngunit natagalan bago iyon nangyari.

“Kasi, busy si Maine. Tapos, ako rin, may show. Si Arjo rin. Hindi kami magkatagpo ng schedule ng pare-parehong libre,” paliwanag ni Sylvia.

Continue reading below ↓

“Kung sila nga ni Arjo, nahihirapan sila sa schedule nila, e. Di ba? What more... e, ako, meron din akong trabaho. 'Tapos, si Maine din, siyempre.

“E, dumating ang point na nagkayayaan iyong dalawa, ‘Halika, dinner naman tayo sa pamilya.’

“'Tapos, umuwi si Arjo, ‘Mommy, kailan ka raw libre? Sabi ni Maine, dinner naman tayo together.’

“So, nakakatuwa iyon!"

Dahil pare-pareho silang may trabaho, mahaba-habang usapan kung kailan sila makakalabas nang magkakakasama.

“Matagal yun na-schedule, months talaga. Pero noong inulit-ulit, sabi ni Arjo, ‘Mom, dinner daw tayo, sabi ni Maine, gusto ko raw niyang i-dinner,’ Sabi ko, ‘Thank you.’

“'Tapos, months iyon. 'Tapos, after nun, sabi niya, ‘Mom, ano na? Si Maine, maluwag-luwag na. Kailan ka raw libre?’

“Sabi ko, ‘Anak, meron akong Monday to Friday. May ganito, ganyan.’ 'Tapos, sabi niya, ‘Kailan talaga?’

"Para siguradong wala akong shooting, taping... Every Sunday, hindi talaga ako nagtatrabaho. ‘Sunday na lang, anak!’

Continue reading below ↓

“E, nagkataon na libre. ‘Mom, libre raw si Maine!’

"Sabi ko, ‘Libre ba siya this Sunday, or next, next-next week?’ E, nag-ano, two weeks after. So, nag-dinner kami."

Inamin din ni Sylvia na nakakasama din ang anak niyang si Arjo sa pamilya ni Maine.

“Nakakatuwa lang silang dalawa, kasi umaano talaga sila ng oras na mag-dinner sa pamilya ni Maine, silang dalawa.

“Si Arjo, makikipag-dinner sa pamilya ni Maine. O si Maine, makikipag-dinner sa amin. Nakakatuwa!”

Kahit si Maine ang nagyaya ng dinner—na naganap noong Nobyembre 17, Linggo, 8:30 p.m. sa The Podium—sina Sylvia ang nagbayad ng bill.

“Kasi, ang dami namin! Hahahaha! Nakakahiya naman yun, siyempre!” natawang bulalas ni Sylvia.

GORGY RULA:

Hindi pa raw nakikita ni Sylvia ang kung ano man ang plano nina Arjo at Maine sa kanilang relasyon.

Tinanong kasi namin kung nakahanda na ba siyang baka magpaalam na si Arjo na pakakasalan si Maine.

“Hindi ko pa alam, bahala na sila.

Continue reading below ↓

"Pero nakikita ko, in love sila sa isa’t isa.

"Nakikita ko, happy sila sa isa’t isa,” sabi ni Sylvia.

Ini-enjoy pa raw ni Sylvia ang bunsong anak niyang nine years old na si Xavi, kaya hindi rin niya naiisip na magkaapo either kay Arjo o sa isa pang anak niyang si Ria.

Basta sa ngayon ay masaya siya para kina Arjo at Maine.

JERRY OLEA:

Pinagbantaan noon ang buhay ng pamilya ni Sylvia.

Nalampasan nila ang matitinding pamba-bash, kaya balewala na iyong pang-uurot na kesyo Photoshopped ang litrato ni Maine sa pinag-uusapang family dinner.

“From 8:30 P.M, natapos kaming mag-dinner ng 11 P.M., mga ganoon,” nakangiting lahad ni Sylvia.

“Masaya! Tawanan lang kami nang tawanan. Bully-han nang bully-han. So, bakit namin papatulan pa iyong mga bashing?

“Hayaan mo na. Sinabi na nila lahat iyong mga masasakit na salita sa akin. Okey na, pabalik-balik na ganoon...

“Kung iisipin ko iyong ibang tao, sasabihin ng ibang tao at magpapakontrol ako sa ibang tao, hindi ako liligaya sa buhay.”

Continue reading below ↓

Inaabangan ng mga tao kung kailan sama-samang magdi-dinner ang mga Atayde at Mendoza.

“Darating ‘yan. I’m sure, darating ‘yan!” pakli ni Sylvia.

“Pero huwag nating madaliin. Bahala na, di ba? Slowly.

"Saka kami ngayon... lumalabas ang pictures ni Arjo with Maine’s family, so this time, kami naman.

“I mean, wala na akong iilagan pa, o 'Bawal i-post, kasi maba-bash. Bawal ganito, kasi...'

“Hindi ako puwedeng diktahan ng kahit sino!” pagdidiin ni Sylvia.

Nag-usap sila ni Maine?

“Tawa kami nang tawa.”

Usapan daw nina Sylvia at Maine tungkol sa bashing, “Actually, ano lang, ‘O, naba-bash tayo.’ Ganoon lang. ‘Hayaan na natin, masaya tayo.’ Ganoon lang.

“Hindi kami talaga nag-uusap about, ‘Alam mo, iyong bina-bash...’ Hindi! Kasi, para ano? Sayang yung oras namin.

“Masaya kami, di ba? Huwag na nating sirain.

"Hayaan mo sila. Kasi, wala silang mukha, e. Di ba? Ang hirap.”

Papuntang Dubai, UAE ang pamilya ni Sylvia sa December 26.

Continue reading below ↓

Makakasama ba nila si Maine?

“Hindi. Sa pamilya siya. Siyempre, may pamilya siya, doon siya sa pamilya niya,” sabi ni Sylvia.

Nasisiguro ni Sylvia na magkakasama sina Arjo at Maine sa araw ng Pasko, pero kinabukasan, pa-Dubai na ang mga Atayde.

NOEL FERRER:

After the results of Isa Pa, With Feelings, kakailanganin ni Maine ang tulong ng mga Atayde sa kanyang MMFF 2019 movie.

I’m sure, susuportahan ito ni Sylvia at ng buo nilang pamilya.

Alang-alang kay Arjo! Support!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sylvia Sanchez, natutuwa sa effort ng magkasintahang Arjo Atayde at Maine Mendoza na magkaroon ng bonding time kasama ang pamilya Atayde at ganoon din sa pamilya Mendoza.
PHOTO/S: Gorgy Rula / @MEI9473 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results