Glaiza de Castro, wala pang balak magpakasal sa Irish boyfriend

by PEP Troika
5 days ago
Glaiza de Castro on settling down with Irish boyfriend David Rainey: “Napapag-usapan naman namin yung mga medyo seryosong topic, pero hindi pa muna sa kasal."
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Nauna nang magpakasal ang bunsong kapatid ni Glaiza de Castro na si Alchris Galura.

Iyon ang dahilan kaya hindi nakadalo ang Kapuso actress sa 37th Luna Awards noong Sabado, Nobyembre 30, dahil nakasabay nito ang wedding na ginanap sa resort nila sa Baler, Quezon.

Hindi raw ito nakaka-pressure kay Glaiza na masayang ikinuwento sa aming sila pa rin ng kanyang Irish boyfriend David Rainey.

Wala pa rin kasi sa plano nila ang kasal.

Mas gusto muna nilang mag-focus sa negosyo dahil pinag-iisipan ng boyfriend niyang mag-invest ng negosyo rito at makaka-partner si Glaiza.

“Napapag-usapan naman namin yung mga medyo seryosong topic, pero hindi pa muna sa kasal,” pakli ng Kapuso actress nang nakatsikahan namin nitong December 3, Martes, sa Christmas party ng GMA-7 para sa media.

“Siguro, more on kung ano ang gagawin namin dito, kung ano pa yung business na gusto niyang itayo dito. Kasi eventually, parang gusto na niyang mag-invest dito.

Continue reading below ↓

“Kung paano kami pa magsama nang matagal. Kasi ngayon, long-distance relationship pa rin kami. Pumupunta-punta lang siya dito. Saka mas matagal siya dun.

“Ang plano niya, gusto niya ring makasama sa business ko na matulungan ako dun.

“Saka sabi ko sa kanya, since mahilig na rin kaming mag-travel, baka tumulong siya sa akin sa travel agency,” sabi pa ni Glaiza.

JERRY OLEA

Bonggacious na ang love life, bonggacious pa ang career ni Glaiza.

Matapos tanghaling best actress sa 37th Luna Awards para sa Liway, maipapakita ni Glaiza ang kanyang versatility sa dalawa niyang bagong project.

Comedy kasi iyong isang project niya, while the other one is heavy drama.

Keep up the good work, Glaiza! Cheers!

NOEL FERRER

At sino ang nagsasabing hindi puwedeng pagsabayin ang successful career at happy love life?

Saludo ako sa mga katulad ni Glaiza na laging nagsisikhay mapabuti, mapahusay at mapagaling lahat ng mga ginagawa!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro on settling down with Irish boyfriend David Rainey: “Napapag-usapan naman namin yung mga medyo seryosong topic, pero hindi pa muna sa kasal."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results