FAP director general Vivian Velez at FDCP chairperson Liza Diño, may hidwaan dahil sa Luna Awards?

by PEP Troika
5 days ago
Ikinagulat ni FDCP chairperson Liza Diño (kanan) ang paglalabas ng statement ng bagong-talagang director general ng FAP na si Vivian Velez (kaliwa). Ito ay may kinalaman sa pakikialam diumano ng FDCP sa Luna Awards, na sakop ng FAP.
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Hindi na muna nagbigay ng statement si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson and CEO Liza Diño-Seguerra kaugnay sa statement ng bagong Film Academy of the Philippines (FAP) Director General Vivian Velez.

Inilabas ito ni Vivian sa Facebook, at nagulat si Liza nang tinanong ko ito sa kanya dahil hindi raw siya aware sa lumabas na statement.

Continue reading below ↓

Ipinadala ko sa kanya ang naturang statement, at kaagad niyang sinagot ang PEP Troika.

Naiintindihan daw niya kung ano ang pinanggalingan ng hinaing na ito ni Vivian.

Text niya sa amin: “We respect her opinion. FAP is one of our board of trustees. If she has concerns, she can always take it up during our board meeting.

“The Luna awards this year is a one-time partnership — only because it’s hundred years of Philippine cinema.”

Nahihiya lang daw siya sa dating FAP director-general na si Leo Martinez, dahil itong Luna Awards ngayong taon lang ang kanilang usapan.

Ano ang pananaw ninyo rito, mga ka-Troika?

NOEL FERRER

Ito ba ang rason kung bakit no-show si Miss Vivian Velez sa 37th Luna Awards noong Nobyembre 30, Sabado, sa Maybanks Performing Arts Theater, BGC, Taguig City?

Bakit hindi na lang sila nag-usap bago nangyari ang pag-iisyu ng ganitong statement?

Hindi ba’t magkasama pa sila sa Nominees Night noong Nobyembre 20 sa Delgado.112 restaurant sa QC? Anyare?

Continue reading below ↓

Ayaw naman natin na ganito ang kahihinatnan ng 100 Years Of Cinema.

JERRY OLEA

Kapwa supporters ni Pangulong Duterte sina Vice Ganda at Pastor Apollo Quiboloy, pero nagkaroon sila ng gusot kaugnay sa pagpapatigil ng lindol, trapik sa EDSA, at FPJ’s Ang Probinsyano.

“Stop me! Don’t me!”

Sina FDCP Chairperson Liza at FAP Director General Vivian ay kapwa masugid ding tagasuporta ni Pangulong Duterte.

Kung gustong “linisin” ni Ms. Vivian ang FAP, hayaan natin siya. Bigyan natin siya ng pagkakataon.

Si Chair Liza, napakarami nang ginawa para sa film industry. Tunay ang kanyang pagmamalasakit.

Hindi niya deserve na okray-okrayin siya sa kabila ng mga tulong at sakripisyo niya para sa mga taga-industriya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinagulat ni FDCP chairperson Liza Diño (kanan) ang paglalabas ng statement ng bagong-talagang director general ng FAP na si Vivian Velez (kaliwa). Ito ay may kinalaman sa pakikialam diumano ng FDCP sa Luna Awards, na sakop ng FAP.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results