JERRY OLEA:
Bisi-bisihan na ba ang mga tao dahil nalalapit na ang Kapaskuhan?
Ang moviegoers, nag-aabang na sa 45th Metro Manila Film Festiva (MMFF) sa Pasko kaya dedma sa Pinoy movies na nag-open noong Miyerkules, Disyembre 4.
At ang televiewers, ramdam na ang holiday rush?
Ayon sa national TV ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, nananatiling number one TV program kung weekdays ang FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN.
Pero bumaba na ang viewership nito.
Dati rati, palaging nasa line of 4 ang ratings ng teleserye ni Coco Martin.
Nitong Nobyembre 29, Biyernes, nagtala ng 34.0% ang FPJ's Ang Probinsyano, kontra sa 15.9% ng Beautiful Justice ng GMA-7.
Noong Disyembre 2, Lunes, 31.2% ang FPJ's Ang Probinsyano, kontra sa 14.0% ng Beautiful Justice.
Noong Disyembre 3, Martes, 26.1% ang FPJ's Ang Probinsyano, kontra sa 15.4% ng Beautiful Justice.
Noong Disyembre 4, Miyerkules, 27.9% ang FPJ's Ang Probinsyano, kontra sa 15.3% ng Beautiful Justice.
Kahapon, Disyembre 5, Huwebes, 27.2% ang FPJ's Ang Probinsyano, kontra sa 15.6% ng Beautiful Justice.
Ang Beautiful Justice ay pinagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Yasmien Kurdi, Bea Binene, at Gabbi Garcia.
Dapat bang maalarma ang Team Probinsyano ngayong tatlong magkakasunod na gabing nasa line of 2 na lang ang ratings nito?
GORGY RULA:
Hindi na siguro nila ikababahala iyan. Sila pa rin ang number 1.
Sa Linggo, December 8, isi-celebrate nila ang kanilang ika-apat na anibersaryo sa ASAP Natin ‘To.
Inaasahan ang pagdalo ng buong cast at ang iba pang mga artistang nakapag-guest sa naturang teleserye
NOEL FERRER:
Bumababa talaga ang viewership ng TV programs dahil sa dami ng ganap kapag December.
At kahit bumaba sa line of 2 ang ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano, malayo namang maabantehan ito ng kumpetisyon.
While we are at it, magkakaroon ng Grand Reunion ang FPJ's Ang Probinsyano sa ABS-CBN Sunday musical-variety show.
It's more of a thanksgiving for all their successful years of airing.
I’m sure, se-segue ito sa promo ng MMFF 2019 movie ni Coco, ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, kung saan marami sa characters ay hango sa pinagbibidahan niyang action-drama series.
Let’s see kung alin ang mas magiging phenomenal—ang movie o ang teleserye?