Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Sylvia Sanchez, ayaw pakialaman ang relasyon nina Arjo Atayde at Maine Mendoza

by PEP Troika
Dec 11, 2019
Sylvia Sanchez on son Arjo Atayde's relationship with Maine Mendoza: "Imbes na pakialaman ko yung love life nilang dalawa, e, pakialaman ko muna iyong bunso ko saka si Gela, di ba? Saka yung pagiging asawa ko."
PHOTO/S: Arniel Serato

JERRY OLEA

Aware si Sylvia Sanchez sa pagbabakasyon ng anak niyang si Arjo Atayde with Maine Mendoza recently sa California, USA.

“Alam ko. Alam ko. Alam ko.

"Alam ko lahat ng kilos ni Arjo. Alam ko lahat kung saan siya pupunta," sambit ni Sylvia sa interbyuhan nitong Disyembre 10, Martes, sa Annabel’s restaurant matapos siyang pumirma ng managerial contract kay Arnold L. Vegafria.

“Ayaw ko lang siyempreng... di ba, ‘Oy! Ganito-ganoon ang anak ko!’

“Of course, buhay niya iyon, e!

"Siyempre, hindi puwede si Arjo na umalis sa bahay nang hindi namin alam, di ba? Nanay, tatay, magpapaalam yun.

“Alam ko, alam ko pa yung mga plano, but sa kanila yun. Bahala silang dalawa.

“Masaya ang anak ko, masaya si Maine. So, masaya ako para sa kanila.”

Matapos makipag-dinner si Maine sa pamilya ni Arjo noong Nobyembre 17 sa Los Flores reetaurant sa Podium, nagkaka-text ba sila o nagkakausap?

“Busy si Maine, e! Bising bata yun!” sambit ni Sylvia.

Continue reading below ↓

“Saka hindi ko pinapakialaman sila ni Arjo. Busy rin ako, di ba?

"So, imbes na pakialaman ko yung love life nilang dalawa, e, pakialaman ko muna iyong bunso ko saka si Gela, di ba? Saka yung pagiging asawa ko.

“Kulang na nga ako sa oras ko, sa pagiging asawa, sa pagiging nanay, pakikialaman ko pa ba yung love life ng mga anak ko? Bahala sila!”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ibinalita ni Sylvia na malapit nang magtapos ang Book 1 ng Kapamilya teleseryeng Pamilya Ko.

Kaabang-abang ang mga ganap sa Book 2 nito, at hindi niya alam kung hanggang kailan ito magtatapos.

Sa Friday the 13th, magpe-presscon ang MMFF 2019 official entry ng Mission Unstapabol: The Don Identity.

Abangan natin kung magbibigay rito ng update si Maine tungkol sa unstoppable romance nila ni Arjo!

NOEL FERRER

Nang mag-comment ako dati sa magandang integration at suportahan ng pamilya nina Arjo at Maine, I was met with a lot of bashing from some fans.

Continue reading below ↓

Sana maging masaya na lang tayo na maayos ang lahat—career man o love life—nina Maine, Arjo at maging ni Sylvia (at pati si Ria nga ba with JM)?

GORGY RULA

Patuloy pa ring pinag-uusapan ang relasyong Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Sana hindi iyon makakaapekto sa Mission Unstapabol kagaya ng nangyari sa Isa Pa With Feelings.

Mabuting iwasan na rin siguro ni Sylvia na pag-usapan silang dalawa. Nagmumukha na siyang spokesperson nina Arjo at Maine.

Si Arjo kasi, kapag tinatanong mo tungkol sa kanila ni Maine, matipid ang sagot at iniiwasan niya talagang pag-usapan dahil mas gusto nilang pribado ang kanilang relasyon.

Simulan na rin sanang paingayin ang Mission Unstapabol na hindi ang relasyong Arjo at Maine ang nagagamit.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sylvia Sanchez on son Arjo Atayde's relationship with Maine Mendoza: "Imbes na pakialaman ko yung love life nilang dalawa, e, pakialaman ko muna iyong bunso ko saka si Gela, di ba? Saka yung pagiging asawa ko."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results