Bianca Umali, panay ABS-CBN stars ang kasabay sa audition ng HBO Asia series na Halfworlds

by PEP Troika
Dec 12, 2019
Kabilang sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa binigyan ng Walk of Fame ng GMA-7.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Magsisimula na next month si Bianca Umali na mag-shoot ng bagong series na gagawin niya para sa HBO Asia, ang Halfworlds.

Excited si Bianca sa bagong project niyang ito, kung saan siya lang ang nag-iisang Kapuso artist na nag-audition.

Pawang Kapamilya artists daw ang nakasabay niyang nag-audition, at sa kanya napunta ang role.

Hindi lang daw niya puwedeng ibahagi ang ilang detalye ng project, pero ang Kapamilya artist na si Sam Concepcion ang makakasama niya rito.

Bale nasa pangatlong season na ang Halfworlds.

Ang unang season ay kinunan sa Thailand, ang pangalawa sa Indonesia, at ang pangatlong season ay dito sa Pilipinas kukunan.

Naka-focus daw ang kuwento ng third season sa folklore ng bawat lugar. Kaya itong gagawin ni Bianca ay may mga engkanto, kapre, manananggal, aswang, tiyanak, at iba pang elemento o mythical creatures na kilala sa bansa.

Iyon pala ang dahilan kaya madalas si Bianca sa Singapore, dahil ito ang pangatlong season ng Halfworlds na nakipag-collaborate ang HBO sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Kuwento niya, “For the past month, I’ve been going back and forth to meet with the people sa HBO mismo, sa company.

“So, we’re having workshops also together with my director Mikhail Red,” pahayag ni Bianca.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nakatsikahan ng PEP Troika si Bianca nitong Disyembre 12, Huwebes ng umaga, pagkatapos ng unveiling ng star niya sa Walk of Fame ng GMA-7.

Si Bianca ang isa sa mga bagong batch ng Kapuso stars na may star sa Walk of Fame ng GMA-7.

Kasama niya rito ang ka-love team niyang si Miguel Tanfelix, Aicelle Santos, Yasmien Kurdi, Kris Bernal, Roi Vinzon, John Feir, at Iya Villania.

Binigyan din ng star ang ilang taga-GMA News na sina Emil Sumangil, Oscar Oida, Marisol Abdurahman, Lala Roque, at JP Soriano.

JERRY OLEA

Spaghetting pataas ang career ni Bianca sa 2020.

Hindi niya kailangang magsalita tungkol sa rumored boyfriend niyang si Ruru Madrid, kahit panay-panay ang lambingan nilang napo-post sa social media.

Continue reading below ↓

Nawa’y makabawi-bawi si Ruru matapos masagasaan ng mga intriga at Hollywood blockbusters ang pelikula niyang Cara x Jagger.

NOEL FERRER

Matagal ko nang sinasabi na isa sa Kapuso actresses na may potensyal ay si Bianca Umali — at wala akong pangingiming magbigay ng suporta ng mga artistang ni-request nilang makakasama siya sa proyekto if only to stress the point that she has real talent and no hype.

Malalaman ninyo soon na may dalawa akong talents na pinayagan kong sumama sa HBO series na iyan upon the request of the producers —para makasama ni Bianca.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa binigyan ng Walk of Fame ng GMA-7.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results