GORGY RULA: Pinuri si Cong. Alfred Vargas ng 5th district ng Quezon City sa ipinasa niyang batas na Republic Act 11215, o National Integrated Cancer Control Act (NICCA), na naglalayong makatulong sa cancer patients.
Ani Cong. Alfred nang humarap sa ilang kaibigang showbiz press nitong Sabado, Disyembre 14, sa Annabel’s restaurant, Quezon City, “Ang batas natin, ang National Integrated Cancer Control Act, iyun ang batas na nagsasabing the government will help the cancer patient and the cancer family, pati ang pamilya ng pasyente.
“Kasama na rito ang pagpapatayo ng cancer centers… hindi lamang one cancer center. Hindi lang tulad dito, isa lang ang Heart Center. Dito, hopefully Luzon, Visayas at Mindanao and even sa regional level,” pahayag ng actor/politician na alam na alam ang pinagdaanan ng pamilyang may mahal sa buhay na nagka-cancer dahil iyun ang dahilan kaya pumanaw ang kanyang ina.
Ito ang ipinangako niya sa kanyang ina bago ito pumanaw na sa abot ng kanyang makakaya ay tutulong siya sa mga taong may cancer.
“Ako kasi, from my experience, pag may cancer ka, ang laki ng gastos. 'Tapos, tinitingnan mo kung saan ka ituturo, yung streamlining mo—lahat.
"Ang organizing—before cancer, during cancer, and after cancer.
“Kasama na yung government even in providing subsidies sa medicines and treatments,” dagdag niyang pahayag.
Ang isa pa sanang gustong iparating sa lahat ni Cong. Alfred ay meron na raw paraan kung paano nating ma-control o maiwasang magka-cancer.
May tests na raw para malaman kung ano ang puwede nating gawin para maiwasan nating magka-cancer.
“Marami po talagang cancer ngayon na puwedeng iwasan. Actually, there are tests even sa mga apps.
“Puwede mong papuntahin sa bahay para magpatingin ko kung saan ka cancer-predisposed.
“With that, made-detect mo, e. Maiiwasan mo ang mga pagkain, ma-adjust mo yung lifestyle mo, para maiwasan mo kung ano yung predisposed ka.
“The technology is available, and andidiyan.
“I suggest to everyone, magpa-early screening na tayo. Kasi it’s the cheapest way, it’s the most effective way to battle cancer habang maaga pa. And we know some friends who have successfully battled cancer,” pahayag ng actor/politician na isa sa mga pinarangalan nitong nakaraang Biyernes, Disyembre 13, bilang Ten Outstanding Young Men (TOYM) honoree for Public Service.
NOEL FERRER: Hindi man nakasali sa 45th MMFF ngayong taon si Alfred, ipapalabas naman ang isa pa niyang pelikula with his favorite director Mac Alejandre, ang Kaputol, kasama sina Cherie Gil at Angel Aquino.
Magpi-premiere ito sa December 16, Lunes.
JERRY OLEA: Apat ang recess ng Kongreso bawat taon, at doon isinisingit ni Congressman Alfred ang paggawa ng pelikula at ibang aktibidades.
“Magre-recess kami this coming week. Ang balik namin, January na,” lahad ng actor-politician.
“Kapag recess, diyan ko isinisingit yung oras for consultations. Oras for family and travel. And siyempre, oras para tutukan iyong isa nating livelihood—yung showbiz.
“Kasi kailangan natin ng dagdag na kita.”
Maliban sa Kaputol with Cherie Gil and Angel Aquino, natapos din ni Cong. Alfred ang pelikulang Tagpuan kasama sina Iza Calzado at Shaina Magdayao.
“At this point kasi, medyo matagal na rin tayong aktor, I want to do more meaningful projects, since I can do only a few projects.
“Actually, average of one project a year. Kung gagawa man ako ng project, iyon na talagang gusto ko.
“Kaputol is an advocacy film. And honestly, kaya siya maganda, dahil sinulat siya ni Ricky Lee. Noong ‘80s pa lang, short film na siya ni Ricky Lee, na ginawang full length.
“'Tapos, noong in-offer sa akin, sabi ko, ‘Yes, I would really love to do it.’ Tungkol siya sa magkapatid. May aspect din na film within a film.
“It’s about love, loss and family. Sa isang part, magkapatid kami ni Cherie Gil. Sa isang side naman, magkaibigan kami, she’s my director, and I’m her actor sa isang indie film.
“Tagpuan is a story about Filipinos. It’s a love story. We shot in Hong Kong and New York.
“It’s about the diaspora, actually. How the Filipinos deal with it. How Filipinos are, and at the same time, what’s the most important is love and happiness.
“Sometimes, you have to choose. Kung love, love lang. Kung gusto mong happy, happy lang. Minsan, exclusive iyong dalawa. Pero minsan, puwede mo namang ipagsama.”
Kumusta ang pakikipagtrabaho niya kina Cherie Gil, Angel Aquino, Shaina Magdayao at Iza Calzado?
“Ang sarap!” napangiting bulalas ni Congressman Alfred.
“Si Cherie is very intense and maganda yung chemistry namin, on and off camera. And I respect her so much, and I can feel that she also respects me. Masarap siyang kasama sa set.
“Angel is a very, very good actress. We had only a few scenes together, pero just like before—I worked with her before in the film Faces of Love—ang galing!
“Alam mo, pag ganyang kalibre ang mga kasama mo, nadadala ka na rin sa eksena. And that’s what happened to me.
“It makes acting easier. Ganoon naman iyon, e. Kapag magaling ang mga kasama ko, gumagaling ka na rin. So, nakatulong.
“It’s my first time to work with Shaina, and you have to watch her scenes in Tagpuan. Ibang-ibang Shaina ang makikita ninyo rito.
“She’s very humble. Walang keme-keme. Walang kaarte-arte sa katawan.
“Si Iza naman, nag-partner na kami in several shows from way before. Kaya nandoon na talaga, to begin with.
“She’s our first choice for the role, and she did a good job. Ang ganda ng portrayal nila ng characters nila sa Tagpuan.
“Parang mas gusto ngayon ni Iza iyong mga pinaka-challenging na roles. And natutuwa ako kasi sobrang game na game siya, kahit na anong character at challenge na ibinibigay sa kanya.
“I respect her so much as an actor, and a friend of mine for so many years, since Encantadia!”