Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Cathy Valencia, deny to death sa isyung binigyan niya ng Benz si Diether Ocampo

by PEP Troika
Dec 15, 2019
Skin specialist Cathy Valencia (left, with celebrity endorser Ruffa Gutierrez) on rumor that she gave then-rumored boyfriend Diether Ocampo a Mercedes-Benz: “I don’t want that someday, that my son would grow up and he would google something which is not true. I did not give him a Benz!”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Gustong ipabura ni Dr. Cathy Valencia ang istorya ng isang tabloid na kesyo niregaluhan niya noon ng Mercedes-Benz si Diether Ocampo.

Ikinonsulta niya iyon sa kanyang lawyer.

“I don’t want that, some day, that my son would grow up and he would google something which is not true.

"I did not give him a Benz!

“Coz it’s written there,” bulalas ng 48-anyos na celebrity doctor sa mediacon nitong nakaraang Sabado ng hapon, Disyembre 14, sa Cathy Valencia Advanced Skin Clinic, Icon Plaza, BGC, Taguig City.

Sumingit si Ruffa Gutierrez, “Golf cart lang kasi, di ba?”

“Yes! Golf cart, I gave it to ano... kay Priscilla [Meirelles] and John [Estrada]. Gift ‘yon!” paglilinaw ni Ms. Cathy.

Pinagpiyestahan sa blind items ang isyu sa Benz.

Pagdidiin ni Ms. Cathy, “No, it’s not true! My God, why would I buy? Hindi naman ako mukhang matanda. Hindi naman ako... you know... kulubot.

Continue reading below ↓

“Gosh! I’m not like... extra large.”

Tawang-tawa pati si Ruffa, “My God! It’s so funny!”

Natawa na rin lang si Ms. Cathy.

Tampok sina Ruffa, Ms. Cathy at Sunshine Cruz sa bagong TVC ng Cathy Valencia Advanced Skin Clinic, na ang tagline ay “beauty is limitless.”

Pare-parehong single parent ang tatlong babae, na pinangangalagaan ang kanilang ganda at kalusugan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

NOEL FERRER

Grabe pa ring loaded ang statements nito. Bakit, mga kulubot lang ba ang katanggap-tanggap magbigay ng Benz? E, ano naman ngayon kung extra large?

Bakit, anong klaseng relasyon ba nagkaroon sina Diether at Dra. Cathy?

GORGY RULA

Kung ang concern lang ni Cathy Valencia ay ang anak niya, ano bang klase ng relasyon ilmeron silang mag-ina?

Palagay ba niya, mas paniniwalaan ng anak niya ang Google kesa sa kanya?

Bakit hindi siya humingi ng payo kay Ruffa Gutierrez?

Sandamakmak ang isyung kinasangkutan ng aktres, pero wala akong naririnig na nag-aalala siya kung ano ang mababasa ng mga anak niya.

Continue reading below ↓

Mukha naman kasing open silang mag-ina at baka naman cool mom ni Ruffa. Kaya tingin ko, nagkakaintindihan sila ng kanyang dalawang magagandang anak.

Kung kampante si Cathy sa magandang relasyon nilang mag-ina, hindi na niya iisipin ang ganoong isyu.

Bago iyang isyu ng Benz, sagutin muna niya kung naging sila ba ni Diether.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Skin specialist Cathy Valencia (left, with celebrity endorser Ruffa Gutierrez) on rumor that she gave then-rumored boyfriend Diether Ocampo a Mercedes-Benz: “I don’t want that someday, that my son would grow up and he would google something which is not true. I did not give him a Benz!”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results