Ngayong magpa-Pasko, mas gusto ba ng mga taong umiyak o mag-feel light lang?

May mga nakakaiyak na episodes ang Maalaala Mo Kaya at Magpakailanman ngayong magpa-Pasko.
by PEP Troika
Dec 21, 2019
Tampok sa nakakaiyak na episodes ng Maalaala Mo Kaya at Magpakailanman sina Alessandra de Rossi (kaliwa) para sa "Ani ng Tagumpay" ng Maalaala Mo Kaya at, Amy Austria at Miguel Tanfelix (kanan) para naman sa "Sana Ngayong Pasko" ng Magpakailanman.
PHOTO/S: Left: MMK Facebook Page / Right: GMA-7

JERRY OLEA

“Ayokong maging magsasaka lang.”

Kaabang-abang ang Christmas presentation ng Maalaala Mo Kaya ngayong Disyembre 21, Sabado, 8:30 PM pagkatapos ng Your Moment sa ABS-CBN.


Kung ang haligi at lupang bumuhay sa ‘yo ang pipigil sa iyong mga pangarap, pipiliin mo bang lumingon sa pinanggalingan o talikuran na lang ang lahat?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tampok sa episode na ito ng MMK sina Alessandra de Rossi, Ronnie Lazaro, at Allen Dizon.

Samantala, nag-reunion sina Amy Austria at Miguel Tanfelix sa “Sana, Ngayong Pasko” episode ng Magpakailanman ngayong gabi, pagkatapos ng Daddy’s Gurl sa GMA-7.


Istorya ito ng isang lalaking piniling lisanin ang pamilya para hanapin ang tunay niyang pagkatao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mapaghilom kaya ng diwa ng Pasko ang lahat ng kanilang mga sugat?

Nagkatrabaho sina Amy at Miguel sa telefantasyang Mulawin (2004-2005) bilang Lourdes at Pagaspas.

Manonood kaya ng episode na ito si Bianca Umali bilang suporta sa ka-love team?

NOEL FERRER

Kasama rin ang Brillante Mendoza-protégé na tinutulungan ko na si Jomari Angeles sa MMK episode ngayong gabi.

Kapag ganitong magpa-Pasko, hindi ko alam kung gusto pa ng mga taong umiyak o mag-feel light na lang?

On the other hand, excited akong mapanood si Amy Austria na isang MMFF Hall of Fame Awardee.

I am happy that she is still active sa TV and sana, sa movies!

GORGY RULA

Binabasa muna ni Amy ang script bago niya tanggapin ang guesting.

Pero itong sa Magpakailanman, nang nalaman niyang makakasama si Miguel Tanfelix, kaagad niyang tinanggap.

Gusto niyang makatrabaho uli si Miguel dahil paslit pa siya noong nagkasama sila sa Mulawin.

Kahit si Miguel ay tuwang-tuwa rin nang nalaman niyang si Amy ang gaganap na nanay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakaka-good vibes daw makatrabaho ang isa sa Hall of Famer sa MMFF Gabi ng Parangal.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok sa nakakaiyak na episodes ng Maalaala Mo Kaya at Magpakailanman sina Alessandra de Rossi (kaliwa) para sa "Ani ng Tagumpay" ng Maalaala Mo Kaya at, Amy Austria at Miguel Tanfelix (kanan) para naman sa "Sana Ngayong Pasko" ng Magpakailanman.
PHOTO/S: Left: MMK Facebook Page / Right: GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results