PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bagyong Ursula, hindi napigilan ang pagdagsa ng mga manonood sa unang araw ng MMFF 2019

Unang araw ng MMFF 2019, maikukumpara sa unang araw ng MMFF 2018.
by PEP Troika
Published Dec 26, 2019
Base sa initial reports, ang mga pelikula nina Vice Ganda, Aga Muhlach, Coco Martin, at Vic Sotto ang mga nangunguna sa unang araw ng MMFF 2019.

NOEL FERRER

Ursula cannot stop us from going to the theaters to watch the MMFF 2019 movies.

Thank you to the moviegoers who trooped to the theaters at Christmas day to support the various film entries and carry out the yearly MMFF tradition.

Looking forward to your continued support!

Bilang MMFF spokesperson, heto lang ang opisyal na pahayag: “Despite the typhoon and the closing of some malls/cinemas in Visayas and Mindanao, our first day MMFF gross this year is comparable to last year’s successful opening.”

Ibig sabihin niyan, hindi totoo ang tsikang kumalat nitong Disyembre 25, Miyerkules ng hapon, na may 30% drop sa kita ng last year.

Tito Jerry, kumusta po ba ang paglilibot ninyo sa Glorietta 4?

JERRY OLEA

Pito ang sinehan sa Glorietta 4 sa Makati City.

Hindi showing doon ang horror movie na Sunod.

Nasa malaking sinehan (Cinema 6) ang The Mall, The Merrier at pila-pila rito ang manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pasok sa banga ang mga pangalang Marjorie, Claudine, at Nicole habang nagsasabunutan at nagsasapakan ang mga pangunahing karakter sa Tamol Mall.

Nakasulat yata sa aklat ng Siquijoraciones kung sino ang totoong girlfriend ni Atong Ang?! Iyon na, Moises at Setset!

Malaki rin ang sinehan (Cinema 3) ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon at bentang-benta ang mga kalandian ni Paloma.

Swak ang kantang "Ay! Ay! Ay! Pag-ibig" ni Ara Mina sa harutan nina Coco Martin at Sam Milby.

Bongga ang pag-aaksyon dito ni Rowell Santiago, na hindi nakalagay ang pangalan sa billing.

Maliit lang ang sinehan (Cinema 1) ng Miracle in Cell No. 7, at sold out ang 5:45 P.M. screening nito.

Balita ko’y malakas maging sa ibang malls ang pelikula ni Aga Muhlach, na matunog na magbe-best actor sa 45th MMFF.

GORGY RULA

Mas maganda kung kagaya pa rin noong nakaraang taon ang kita ng MMFF ngayon.

Nabalitaan kasi nating maraming probinsiya ang apektado ng bagyong Ursula kaya posibleng hindi ang panonood ng sine ang unang concern ng mga kababayan natin doon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa initial report na nakuha ko mula sa ilang reliable source ng PEP Troika, nangunguna ang The Mall, The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis, at sumunod ang 3pol Trobol: Huli Ka Balbon nina Coco Martin at Jennylyn Mercado.

Pangatlo ang Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach, at sumunod ang Mission Unstapabol: The Don Identity nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

Puwedeng mabago pa ito sa gabi dahil may ilang pelikulang panggabi ang audience.

Ang mahalaga, maganda ang resulta at sana ay hindi magkakalayo ang agwat ng kinita ng walong pelikulang kalahok.

Samantala, dito sa Los Angeles, California, palabas naman sa ilang sinehan ang Unbreakable nina Bea Alonzo at Angelica Panganiban.

Gustung-gusto ng ilan sa mga kababayan nating nakapanood ng naturang pelikula.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Base sa initial reports, ang mga pelikula nina Vice Ganda, Aga Muhlach, Coco Martin, at Vic Sotto ang mga nangunguna sa unang araw ng MMFF 2019.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results