KC Concepcion, bakit wala sa ASAP birthday tribute ni Sharon Cuneta?

by PEP Troika
Jan 5, 2020
Sharon Cuneta was feted an all-star birthday tribute during ASAP Natin 'To's January 5, 2020 episode, amid family and close showbiz colleagues. But where was KC Concepcion?
PHOTO/S: ABS-CBN

JERRY OLEA: Tigib ng luha si Sharon Cuneta sa mega-celebration niya ng kanyang ika-54 birthday ngayong Linggo, Enero 5, sa ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN.

Umawit ang Megastar kasama ang mga anak na sina Frankie at Miel Pangilinan. Kapagkuwan ay nagbigay ng mensahe ang asawa niyang si Senador Kiko Pangilinan, na katabi ang bunso nilang si Miguel.

“Pasensya na ho, medyo emotional ako. Kasi nagulat ako sa mga surprise.

“At saka... kasi alam ko, apat ang anak ko e,” pagtukoy niya marahil sa di pagdalo ng kanyang panganay na anak na si KC Concepcion.

Natigilan sandali si Sharon bago nagpatuloy, “Salamat sa lahat ng anak-anakan ko. Thank you, Frankie, Miel and Miguel for giving importance to Mama, and loving me, and being respectful and kind, grateful children.”

Yumakap si Miguel sa ina.

Pagpapatuloy ni Sharon, “I hope you emulate Ate Sarah [Geronimo] who’s such a good child din. She’s been so blessed because of that.

Continue reading below ↓

“Or Mama Reg [Regine Velasquez], or Mama J, Mama Juday [Judy Ann Santos].”

Nagpasalamat si Sharon sa Panginoon, at sa Sharonians na minamahal siya sa loob ng 42 taon.

Dagdag ng Megastar, “Ipinagdarasal ko rin lahat ng aking mga anak... na sana, lumaki kayo na nakatapak ang mga paa sa lupa.

“Huwag nakalilimot sa pagmamahal ng magulang.

“At sa lahat ng nagawa ng mga magulang ninyo sa inyo.”

Nagpasalamat din si Sharon sa asawa na pinupunasan ang kanyang pawis at luha, at pabirong hirit niya kay Kiko, “Thank you for all the years that you remained faithful. And true.

“And hindi mo man kamukha si Brad Pitt, andami naman niyang problema. Tayo, wala!”

Mag-react kaya si KC Concepcion sa mega-hugot ng kanyang ina?

GORGY RULA: Sa TV lang naman iyan. Baka meron naman silang pribadong pag-uusap.

Ano kaya ang nararamdaman ni Sharon sa napapabalitang sina KC at apl.de.ap na raw ngayon?

Continue reading below ↓

Hindi kaya iyun ang ini-emote niya?

NOEL FERRER: Ako rin naman, bilang mahal at anak-anakan ni Sharon, nasaan nga si KC?

Minsan lang naman isang taon at markado talaga ang first Sunday sa pagbubukas ng New Year na birthday celebration ng Megastar.

Oh well, baka may personal naman siyang lakad. Nasa social media na magkasama ang mag-ina sa mga family gathering at reunions nila sa iba’t ibang kamag-anak.

Sayang lang, kulang si KC sa ASAP celebration. I’m sure babawi iyun sa pagbati sa actual birthday ni Sharon bukas.

Mula sa PEP Troika, Happy Birthday Shawie!

JERRY OLEA: Bongga ang birthdate tribute ng ASAP Natin ‘To kay Sharon, huh?!

Bago ang number ni Sharon with daughters Frankie and Miel, nakasalo niya sa pag-awit ang mga kaibigan sa showbiz na sina Judy Ann Santos, Sarah Geronimo, Zsa Zsa Padilla, Vina Morales, Regine Velasquez, Cherie Gil, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Martin Nievera at Piolo Pascual.

Continue reading below ↓

Oh, yes! Nagyakapan sina Sharon at Piolo!

Si Sarah, sinabihan pa ni Sharon, “Sarah, sana anak din kita!”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta was feted an all-star birthday tribute during ASAP Natin 'To's January 5, 2020 episode, amid family and close showbiz colleagues. But where was KC Concepcion?
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results