NOEL FERRER
Look closely at these photos, at para talaga tayong dinalaw muli ng isang dating matinee idol sa pagkakahawig nito sa kanya.

Sa murang edad na katorse, ipinagkakatiwala sa akin ng kapatid ni Rico Yan na si Geraldine Yan-Tueres ang pamamahala sa media career ng kanyang anak na si Alfonso Yan-Tueres, na mas kilala sa pangalang Alfy.
Grade 8 pa lang si Alfy, pero maipagmamalaki ang kanyang academic record. Star player din siya sa kanilang baseball team.
Siya ang youngest sa tatlong anak ni Ate Ge.
Bukod sa baseball, mahilig din siya sa basketball at sa video games.
May angking galing din si Alfy sa kusina, at hilig niyang magluto ng meals.
Baka hindi muna pag-aartista ang haharapin ni Alfy kundi ang paggawa muna ng commercials, katulad na lang ng tito niyang si Rico na nagsimula sa “Sikreto Ng Mga Guwapo” Eskinol Master commercial hanggang sa tawagin nang “Crush Ng Bayan.”
Sana, masundan ni Alfy ang kanyang Tito Rico bilang endorser at role model ng mga kabataan.
Good luck, Alfy!
JERRY OLEA
Napakaraming nangangarap maging modelo o artista.
Sa ASAP Natin ‘To at All-Out Sundays, sandamukal ang young boys na makikisig, huh?!
Meron kayang aangat sa kanila ngayong 2020?
Sa 50th birthday party ng kaibigang Ogie Diaz nitong Enero 5, Linggo ng gabi, sa Circle Events Place, Timog Avenue, Quezon City, kasama ni Gladys Reyes ang anak na si Kristoff.
Ayon kay Gladys, mahiyain ang asawa niyang si Christopher Roxas kaya hindi ito sumama.
E, si Kristoff, gustong ma-meet si Liza Soberano dahil schoolmate nito ang brother ni Liza.
Ampogi ni Kristoff, huh?! Ang lakas ng dating!
At any rate, nawa’y masumpungan ng pamangkin ni Rico na si Alfy ang kanyang puwang sa local showbiz.
GORGY RULA
Malaking challenge iyan sa iyo, Sir Noel, dahil madalas nagsa-suffer in comparison kapag pumapasok sa showbiz ang kapatid ng isang sikat na artista.
Pero kailangan pa natin ng mga bagong mukhang kakikiligan ng mga kabataan, di ba?
Maganda rin itong pagpasok ni Alfy dahil dalawang lovable actor ang maaalala natin... sina Rico Yan at Alfie Anido.
