Pops Fernandez, kasamang nag-Pasko ang third party sa hiwalayan nila noon ni Martin Nievera

by PEP Troika
Jan 8, 2020
Pops Fernandez, emosyunal na ibinahagi kung paano niya napatawad si Katrina Ojeda, na siyang dahilan ng hiwalayan nila noon ng ex-husband na si Martin Nievera. Magkakasamang nagdiwang ng Pasko sina (inset left to right) Katrina, Santino, Martin, Ram, Pops, at Robin.
PHOTO/S: Noel Orsal / @popsfernandezofficial Instagram

GORGY RULA

Hindi napigilan ni Pops Fernandez na maluha sa mediacon ng Valentine concert nila ni Martin Nievera na Twogether Again nitong Enero 8, Miyerkules, sa West Avenue Suites, Quezon City.

Video: Noel Orsal

Napag-usapan ang proseso ng pag-move on at nang maging magkaibigan na sila ni Martin matapos ang hiwalayan nila noon.

Tinanong pa ni Kuya Ricky Lo kung paano niya naharap ang dati ring partner ni Martin na si Katrina Ojeda.

Kaugnay ito ng pagdiriwang ng Pasko nina Pops, Martin, at Katrina kasama ang kanilang mga anak.

Hindi kaila sa publiko na si Katrina ang itinuturong third party na siyang naging dahilan ng hiwalayan nina Pops at Martin.

Inamin ni Pops na hindi ganoon kadali sa kanya na tanggapin at harapin ito lahat.

Aniya, "I don’t think I’m gonna be a normal human being if ganoon kadali.

"But I think, like I said, time heals a lot of wounds."

Continue reading below ↓

Natigilan siya sandali, at nang nabanggit ang anak ni Martin kay Katrina na si Sandino, doon na nagsimulang tumulo ang luha niya.

Naluluhang pahayag ni Pops: "When you see your life and you know that…

"For me kasi, I’m okay, I’m doing quite well. I’m blessed, of course, with my two boys.

"Parang nawala na talaga yung galit ko… kung ano man yun.

"The other factor, when I saw Santino, such a sweet kid... I think that totally changed my whole… yung pananaw ko talaga.

"So, I said everything has to be okay, and it is."

Nangyari na ngang nagsama-sama silang lahat noong nakaraang Pasko kung saan naghanda raw si Katrina para sa kanila.

"I’m happy to say, for the very first time, our Christmas… not quite normal yet, but somehow we made it work.

"I wanted the boys to be together, and they did, and I think they had a great time,” dagdag na pahayag ni Pops.

Continue reading below ↓

Pinipigilan din ni Martin na maiyak, pero masaya niyang ibinahagi na hindi siya ganoon kakumportableng kasama ang dalawang babaeng naging bahagi ng buhay niya.

Pero nangyari ito, at masaya raw ang mga anak nila.

"It wasn’t comfortable for me having both Pops and Katrina in the same table,” sabi ni Martin.

"It wasn’t very forced… because the kids get along well. And Katrina made a big feast for us.

"It’s been a long time. I mean, you know me and Katrina are not together anymore either, so it’s the whole modern family concept.

"It was magic. It was Christmas. That’s what Christmas is all about.

"Of course, all the credit goes to Pops because if she doesn’t allow it, it’s a whole different ballgame.

"It’s the woman really… it’s the one who was left with all of this burden and so on, that have to cope with these things or make a choice to cope with it or not.

Continue reading below ↓

"She made the choice to cope with it.

"So, for all the women out there… You talk about powerful women? She should be on the poster, that’s Pops," pahayag ni Martin.

Nakangiting dugtong ni Pops, "I think same goes to Katrina. She also had difficult times. Both ways.

"Mabuhay ang mga kababaihan."

Ngayon ay kumportable na raw sina Pops at Martin sa isa’t isa, at makikita ito sa nalalapit nilang Valentine concert na gaganapin sa The Theatre at Solaire sa February 14, 15, 17, 18, 19, 20, at 21.

NOEL FERRER:

All’s well that ends well.

Punung-puno ng pagmamahal ang pagsasamang muli nina Martin at Pops.

At least, mas mainam na sila sa arrangement nila ngayon bilang magkaibigan.

JERRY OLEA:

Napaghihilom ng panahon ang lahat ng sugat.

Masalimuot man ang pinagdaanan nina Pops at Martin, mukhang may “happy ending” pa rin sa kanilang pagkakaibigan.

Kaabang-abang na “twogether again” sila sa pagko-concert, at palaging nandiyan ang kanilang mga tagasubaybay.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pops Fernandez, emosyunal na ibinahagi kung paano niya napatawad si Katrina Ojeda, na siyang dahilan ng hiwalayan nila noon ng ex-husband na si Martin Nievera. Magkakasamang nagdiwang ng Pasko sina (inset left to right) Katrina, Santino, Martin, Ram, Pops, at Robin.
PHOTO/S: Noel Orsal / @popsfernandezofficial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results