Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ai-Ai delas Alas, magnininang sa binyagang bayan sa Quiapo Church

by Jojo Gabinete
Jan 9, 2020
Ai-Ai delas Alas, magiging ninang ng bayan!
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Tumugma lang sa promo ng pelikula ng Regal Films na D’Ninang ni Ai-Ai delas Alas, naimbitahan siyang mag-ninang sa pabinyag sa Quiapo Church sa Linggo, January 12.

Natutuwa si Ai-Ai nang inimbitahan siyang mag-ninang sa mga batang hindi naman niya kilala.

“Nag-text sa akin yung best friend ko na pari na parang merong libreng pabinyag sa Quiapo at kinuha akong ninang ng mga bibinyagan.

“Parang sponsored ng Radio Veritas. Kinuha nila akong ninang.

“So, sa Sunday, nandoon ako, mag-aanak ako sa binyag sa mga taong hindi ko kakilala. Ako ang kanilang major Ninang,” pahayag ni Ai Ai.

Mapu-promote na rin niya tuloy ang D’Ninang na magsu-showing na sa January 22.

Ilan sa mga kasama niya sa Regal movie sina Kisses Delavin, Joey Marquez, McCoy de Leon, Kiray Celis at Lou Veloso.

NOEL FERRER

Ito na kayang D’Ninang ang unang big box-office hit na pelikulang Pinoy pagkatapos ng 45th Metro Manila Film Festival?

Continue reading below ↓

Harinawa!

JERRY OLEA

Asado at hopia tayo na maging masigla ang local movies sa takilya ngayong 2020, lalo pa’t patuloy nating ipinagdiriwang ang ika-100 Taon ng Pelikulang Pilipino.

Romcom na Mia nina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman ang buwena mano sa Enero 15.

Sa Enero 22, kasabay ng comedy na D’Ninang ang horror na Nightshift ni Yam Concepcion.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Enero 29 naman ang playdate ng zombie thriller nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Ikinakasa na rin ang pagpapalabas ng Valentine movies.

Isa sa inaabangan natin ay ang “ghosting” movie nina Lovi Poe, Marco Gumabao, at Tony Labrusca, na idinirek ni Joel Lamangan para sa Viva Films.

Nabalitaan naming hindi na In Between Goodbyes ang title nito. Ang bagong pamagat ay base raw sa isang sikat na kanta.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas, magiging ninang ng bayan!
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results