PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kiray Celis, ipinagmalaking virgin pa siya sa edad na 24

Kiray Celis, nanindigang wala pang nangyayari sa kanila ng guwapo niyang boyfriend.
by PEP Troika
Published Jan 10, 2020
Kiray Celis on choosing not to engage in pre-marital sex with her new boyfriend: "Hindi naman porke’t mag-boyfriend kayo, ganoon na kayo. Hindi naman kailangan yun, e."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Ipinagmamalaki ng komedyanteng si Kiray Celis na hanggang ngayon ay virgin pa siya.

Pinag-usapan sa mediacon ng pelikulang D’Ninang ng Regal Films ang pakikipag-break ni Kiray sa unang boyfriend niya matapos ang tatlong taong relasyon nila.

May bago siyang boyfriend ngayon na kaibigan daw ng kapatid niyang lalaki.

Matagal na raw silang magkakilala at kalaro pa raw niya ito sa Mobile Legends, hanggang sa nagkadebelopan silang dalawa.

Pero hanggang ngayon ay wala pa raw nangyari, at virgin pa rin siya dahil choice niyang huwag munang subukan ang ganoong bagay.

"Wala po talaga. Malakas po ang mens ko ngayon!" bulalas ni Kiray nang nakita niyang parang hindi kami naniniwala sa sinabi niya.

"Hindi naman porke’t mag-boyfriend kayo, ganoon na kayo. Hindi naman kailangan yun, e."

Paliwanag pa ni Kiray, "Hindi naman lahat ng tao… hinihiling naman yun. Yung iba, marespeto talaga.

"Ayoko pa, e!"

Ipinagmamalaki pa ni Kiray na mas guwapo ang bago niyang boyfriend kesa sa kanyang ex-boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Guwapo talaga ang boyfriend ko. Very proud ako dun," napapangiti niyang pahayag.

JERRY OLEA

Magandang halimbawa si Kiray sa mga kabataan.

Kahit 24 anyos na siya, nakapagtitimpi siya.

Iwinawaksi ang tukso ng laman. Hindi pinapairal ang kapusukan.

Nawa’y dumami pa ang katribo ni Kiray!

NOEL FERRER

Okey naman kung moralidad ang usapan.

Pero sana, dumating ang pagkakataon na yung artistry ni Kiray ang mas pag-uusapan kaysa sa mga relasyon, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiray Celis on choosing not to engage in pre-marital sex with her new boyfriend: "Hindi naman porke’t mag-boyfriend kayo, ganoon na kayo. Hindi naman kailangan yun, e."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results